Jhong ibinandera ang song cover ni Sarina, may 1.5-M views na

Jhong Hilario ibinandera ang song cover ni Sarina, may 1.5-M views na

Pauline del Rosario |March 21,2024
facebook
share this

Jhong Hilario ibinandera ang song cover ni Sarina, may 1.5-M views na

Pauline del Rosario - March 21, 2024 - 02:01 PM

Jhong Hilario ibinandera ang song cover ni Sarina, may 1.5-M views na

PHOTO: Instagram/@sarinahilario

SA murang edad, tila naging isang recording artist si Baby Sarina, ang 2-year-old baby ng TV host-actor na si Jhong Hilario.

Sa latest YouTube video, proud na ibinandera ni Jhong ang sariling rendition ng anak sa classic song na “Fly Me to the Moon.”

Caption ng TV host, “Sarina’s first music video. She has been singing ‘Fly Me to theMoon’ since she was 1 year old.”

Tulad ng kanyang daddy, bibong-bibo si Baby Sarina at feel na feel ang pag-record ng paborito niyang kanta.

Mapapanood din na enjoy na enjoy ang tsikiting sa kanyang ginagawa at mukhang walang kahirap-hirap sa kanya ang pagkanta.

Baka Bet Mo: Anak ni Jhong Hilario na-perfect ang ‘alphabet & pictures game’ sa edad na 2; ‘So bibo! Ang galing-galing naman!’

As of this writing, umaani na ng mahigit 1.5 million views ang song cover ni Baby Sarina.

Kabilang sa mga napabilib niya ay ang American content creator na si Ovela na ibinandera pa ang kanyang positive reaction sa nasabing video-sharing platform.

Para sa kaalaman ng marami, si Ovela ay isang sikat na music producer at sound engineer mula Canada na mayroong 1.17 million subscribers sa YouTube.

“She is adorable. She is the cutest thing ever,” sey niya kay Baby Sarina.

Paliwanag niya, “I mean this kid doesn’t even speak yet, she can’t even form words properly yet and she can sing incredible. She’s so lovely.”

“You know I feel like she’s going to be a very smart person,” giit pa niya.

Sa isang interview, lubos ang pasasalamat ni Jhong sa lahat ng sumusuporta sa kanyang anak.

“Tumatayo ‘yung balahibo ko. Sobrang thankful, sobrang nakaka-amaze lang na at her young age marami na siya nai-inspire, marami na siya napapatawa, napapaiyak,” sey niya.

Dagdag pa ng aktor, “Kumbaga ang dami na niyang followers. Sobrang blessed.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nang tanungin naman siya kung papayagan niyang mag-showbiz si Baby Sarina in the future.

Ayon kay Jhong, susuportahan niya sa lahat ng bagay ang anak basta’t ito raw ay mag-e-enjoy sa mga gagawin.

“Hindi natin alam, bigla na lang siya naging ganyan. I mean, bigla dumami yung fans niya sa tulong ng partner ko, si Maia kasi siya naman ‘yung kumukuha ng videos. Kung ano ‘yung mae-enjoy ni Sarina,” ani ng “It’s Showtime” host.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending