Jhong Hilario ayaw paalisin ni Sarina upang magtrabaho

Jhong Hilario ayaw paalisin ni Sarina upang magtrabaho, netizens relate na relate: ‘Hirap din umalis kung ganyan kacute!!!!’

Alex Brosas |September 30,2023
facebook
share this

Jhong Hilario ayaw paalisin ni Sarina upang magtrabaho, netizens relate na relate: ‘Hirap din umalis kung ganyan kacute!!!!’

Alex Brosas - September 30, 2023 - 09:51 AM

Jhong Hilario ibinandera ang video ni Sarina na ayaw siyang paalisin upang magtrabaho, netizens relate na relate: 'Hirap din umalis kung ganyan kacute!!!!'

PHOTO: Instagram/@jhonghilario

NAKAKALOKA ang convo ng “It’s Showtime” host na si Jhong Hilario sa kanyang bibong daughter na si Sarina.

Jhong uploaded a short video sa kanyang Instagram account at marami ang naaliw dito.

Sa video, makikitang nagpapaalam na si Jhong kay Sarina dahil papasok na siya sa noontime show.  Ang kaso, hindi naman siya pinayagang umalis ni Sarina.

“Kahit utuin ayaw paalisin. I love you @sarinahilario Part 1,” caption ni Jhong sa kanyang short Instagram video.

“Daddy will go to work na, okay?” sey ni Jhong kay Sarina.

“No, it’s sad,” sagot naman ni Sarina.

“You’re sad? Why are you sad? Daddy will work so I can buy toys for Sarina,” sambit naman ni Jhong sa kanyang unica hija.

Baka Bet Mo: Jhong Hilario dinala ang anak na si Sarina sa eye hospital, bakit kaya?

“No, I want (you) to stay here?” sagot ni Sarina sa kanya.

“You want me to stay here? Daddy has to work. Late na si daddy. Where’s my kiss Babye.  I see you later. We’ll gonna play later. Ninong Vhong, Ninang Anne, Ninang Vice is waiting for daddy to work. I love you. Where’s my kiss na,” saad pa ni Jhong.

“I’m gonna miss them,” sey ni Sarina, obviously referring to the hosts of “It’s Showtime.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jhong Hilario (@jhonghilario)

Marami ang nag-react sa post na iyon ni Jhong at aliw na aliw sila sa convo ng mag-ama, pati na rin sa pagiging bibo ni Sarina.

Tuwang-tuwa sila at marami ang naka-relate sa father and daughter team.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Kawawa naman minsan talaga ayaw nila magpa-iwan. Napakahirap umalis pag ganyan.”

“Ooh… what a very very cute sad face baby princess Sarina. I love you Sarina.”

“Mahirap pa naman umalis ng ganun ayaw kang paalisin.”

“Sarina is very adorable, smart baby girl, you’re daddy Jhong look a like and my older brother. take care baby.”

“Kamukhang kamukha mo si Sari.”

“Nakakatuwa talaga si sarina, kaya lagi kitang pinapanuod baby.”

“Hirap din umalis kung ganyan kacute!!!!”

“She is female version of Jong.”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jhong Hilario natalisod pero hindi halata, tumabling at nagpatuloy sa pangangampanya

Followers kinilig sa simpleng convo nina Rabiya at non-showbiz BF na si Neil sa Instagram

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending