Yasmien imbyerna matapos tsugihin ng FB ang gender reveal video

Yasmien Kurdi imbyerna matapos tsugihin ng FB ang gender reveal video

Pauline del Rosario |April 25,2024
facebook
share this

Yasmien Kurdi imbyerna matapos tsugihin ng FB ang gender reveal video

Pauline del Rosario - April 25, 2024 - 11:33 AM

Yasmien Kurdi imbyerna matapos tsugihin ng FB ang gender reveal video

PHOTO: Instagram/@yasmien_kurdi

 TILA inis na inis ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi matapos tanggalin ng Facebook ang kanyang gender reveal video ng kanyang second baby.

Sa Instagram, inihayag ng celebrity mom ang kanyang pagkadismaya dahil may mga nag-report nito bilang content na may bullying at harassment.

Ibinandera pa nga niya ang isang screenshot mula sa social media platform at makikita nga na ang nakalagay ay may paglabag daw ang gender reveal post sa patakaran ng Community Standards.

Dahil diyan, kinukwestyon tuloy ni Yasmien kung bakit napakaraming malalaswang content sa internet ang hindi nire-report, samantalang ang mga wholesome at hindi nakakapinsalang posts ay maling nafa-flag sa socmed.

“Ang i-report niyo po ay ang mga malalaswang contents, huwag po yung wholesome contents,” caption niya sa IG post.

Baka Bet Mo: Yasmien Kurdi dalawang dekada na sa showbiz, nag-uwi ng mga parangal: Always keep that fire burning!

Sey pa niya, “Isipin po natin ang mga anak at magiging anak natin. Anong klaseng mundo ba natin sila gusto palakihin?”

Kwento ng aktres, “Just last night we posted a video of our mini gender reveal and to our surprise this was taken down today both on FB and IG due to bullying and harassment.”

“We get reported a lot for wholesome contents,” patuloy niya.

Ani pa ni Yasmien, “Hindi ko maintindihan kung bakit offensive na ang ganitong mga bagay ngayon, at ang kalaswayan tulad ng paghuhubad at pagmumura etc ay tanggap na tanggap.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi)

Sa comment section, maraming netizens ang nagtataka sa naging violation ng gender reveal post ni Yasmien at narito ang ilan sa mga sentimyento nila:

“Why? I don’t get it. napakaganda ng content about celebration of a new life new baby haaay”

“Gosh!!! It was such a lighthearted and wholesome video [sad face emoji] Meta should really start working better on the terms and regulations.”

 “I don’t see anything wrong sa mga video mo, grabe ‘yung iba nga naghuhubad na, may mga nagmumura pa, unfair [crying emoji]” 

“I agree with you po Ms. Yas, ‘yung mga ibang post na kita na ang kaluluwa kahit i-report mo hindi daw against sa community standards, napapaisip ako kung mga manyak ba ang mga tao sa meta.. [laughing emojis]”

Noong Nobyembre nang inanunsyo ng Kapuso star at ng kanyang non-showbiz husband na si Rey Soldevilla, Jr. na magiging ate na ang kanilang panganay na anak. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Masaya nilang ibinahagi ang latest family picture na makikitang hawak ng aktres ang resulta ng pregnancy test, habang si Rey naman ang nagpakita ng sonogram.

January 2012 nang ikinasal ang mag-asawa at November 2012 naman nang isinilang nila ang first baby na si Ayesha.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending