Yasmien nanganak via caesarean section, 2nd baby may cord coil

Yasmien nanganak na via caesarean section, 2nd baby may ‘cord coil’

Ervin Santiago - April 30, 2024 - 09:59 AM

Yasmien nanganak na via caesarean section, 2nd baby may 'cord coil'

Yasmien Kurdi isinilang ang second baby via caesarean section

ISINILANG na ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi ang second baby nila ng kanyang asawang si Rey Soldevilla.

Nanganak si Yasmien via caesarean section sa isang ospital taliwas sa nais sanang normal delivery ng aktres at celebrity mommy.

Ibinalita ni Yasmien ang pagsilang ng ikalawang anak sa pamamagitan ng kanyang Instagram account kalakip ang mga black and white photos na kuha habang ginagawa ang procedure sa kanyang panganganak.

Baka Bet Mo: Issa Pressman sumailalim sa operasyon, nagkaroon ng cyst sa vocal cord

“After series of tests nalaman namin na manipis pa din pala ang CS scar ko even after 11 years – not a good indication.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi)


“‘Di na namin itinuloy because of many high-risk possible scenarios and we opted for CS the day I labored,” ang bahagi ng caption ni Yasmien sa kanyang IG post.

Rebelasyon pa niya, “We also found out during the procedure that the baby had a cord coil.

“It actually was a good call that we opted CS because if we tried VBAC (vaginal birth after cesarean section) we would have ended up doing CS still,” pahayag pa ng Kapuso star.

Base sa isang health website, ang cord coil ay ang pagpulupot ng pusod ng baby sa leeg nito habang nasa loob pa ng sinapupunan ng ina. Maaari itong magdulot ng komplikasyon sa sanggol pati na rin sa ina.

Baka Bet Mo: Yasmien niregaluhan ni mister ng bagong sasakyan: Dream car ko talaga siya!

Sa huling bahagi ng IG post ni Yasmien, nagpasalamat din siya sa mga doktor na nag-asikaso sa kanila ng kanyang bagong-silang na baby.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rey Soldevilla Jr (@rey_soldevilla)


“A #cesarean (C-Section) is a life saving procedure for women like me.. I chose to do whatever it took to get my baby out healthy and safe!

“I would like to thank my doctors, Dra. Judy Ann Uy De Luna, Dr. Placido, Dr. Marzo and to all the doctors and nurses who assisted during my #CSProcedure,” sabi pa ng aktres.

Matatandaang ibinandera nina Yasmien at Rey sa publiko na magkakaroon na sila ng Baby No. 2. Sinundan ito ng kanilang gender reveal kung saan ibinalita nga nilang girl uli ang kanilang magiging anak.

Nitong nagdaang araw, naglabas ng sama ng loob si Yasmien sa pamamagitan ng social media tungkol sa pagtanggal ng in-upload nilang gender reveal video sa social media.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang panganay na anak naman nina Yasmien at Rey na si Ayesha ay 11 years old na ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending