Manilyn bad trip kapag nilalait ang asawang si Aljon: Unfair!

Manilyn bad trip kapag nilalait ang asawang si Aljon: Napaka-unfair!

Ervin Santiago |April 18,2024
facebook
share this

Manilyn bad trip kapag nilalait ang asawang si Aljon: Napaka-unfair!

Ervin Santiago - April 18, 2024 - 06:30 AM

Manilyn bad trip kapag nilalait ang asawang si Aljon: Napaka-unfair!

Manilyn Reynes at Aljon Jimenez

IPINAGTANGGOL ni Manilyn Reynes ang kanyang asawa at manager na si Aljon Jimenez sa mga taong nanlalait at nangmamaliit sa dating aktor.

Si Aljon ay dating ka-loveteam ni Manilyn hanggang sa magkadebelopan sila at naging magdyowa sa tunay na buhay. Makalipas ang ilang taon, nagpakasal sila at bumuo ng sariling pamilya.

Inamin ni Manilyn na naba-bad trip siya noong nagsisimula pa lang ang married life nila ni Aljon dahil talagang marami ang nanghuhusga sa kanyang asawa  wala naman daw itong ginagawa.

Baka Bet Mo: Manilyn Reynes pinaghintay ng 4 na oras sa taping ng isang youngstar, at ang nakakaloka hindi pa kabisado ang dialogue

“Napaka-unfair kasi hindi mo kilala ‘yung tao, ‘wag ka nang magsalita. Yung ang akala lang nila kung sino lang ‘yung napapanood kasi nila, siya lang ang kilos pero hindi kasi ganu’n.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by manilynreynes27 (@manilynreynes27)


“Mas mahirap ang ginagawa niya kasi kung manager siya, so inaayos niya lahat, pati ‘yung dealings, hindi ba?” paliwanag ni Manilyn sa panayam ng “Updated with Nelson Canlas” podcast.

Bukod sa pagiging manager niya at sa pag-aalaga ng kanilang mga anak, nagtayo rin ng sariling negosyo si Aljon, “Nakaka-frustrate lang nu’ng nag-uumpisa kami lalo, ‘yung daming sinasabi, ang dami mga mema (me masabi lang), ‘yung ganu’n.”

“Ito, 2024, tigilan na natin ‘yung ganyan,” ang pakiusap pa ng leading lady ni Michael V sa “Pepito Manaloto.”

Baka Bet Mo: Manilyn Reynes sa ‘loveteam statement’ ni Liza Soberano: You can do it on your own, ipakita mo what you’ve got!

Pagbabahagi pa ng aktres, ipinagluluto rin sila ni Aljon kapag wala silang work at ito rin kadalasan ang naghahatid at sumusundo sa kanilang mga anak sa school.

Samantala, nabanggit ni Manilyn na super happy at solid pa rin ang relasyon nila ni Aljon. Napakaswerte raw niya sa kanyang mister dahil bukod sa pagiging understanding ay napakabait at responsable pang tatay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by manilynreynes27 (@manilynreynes27)


Naiintindihan din daw nito ang kanyang trabaho bilang si Aljon din ang kanyang manager, “(Sasabihin niya), ‘Wag ka nang uuwi, maaga ka naman aalis, minsan wala ka for a few days’, ganyan, pero maswerte ako dahil ang asawa ko ay manager ko pa.”

Lagi rin daw open ang communication nilang mag-asawa para maiwasan ang hindi pagkakaintindihan, “Maganda kasi na alam namin talaga kung ano ‘yung goal namin so, hindi kami nagka-clash du’n.

“Importante talaga to always talk about it. Pag-uusapan nyo, you sit down and you say, ‘Do we need to do this, Do we need to do this? Do we have to do this? Do we want to do this?’” sey pa ni Manilyn.

Dagdag pa niya, “Alam mo, bukod sa pagiging manager, bukod sa mga bagay na marami niyang ginagawa, sobrang bihira kang makakita ng tao na nandyan, may oras para sa ‘yo, na he cares for you.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang dali mo sabihin na ‘It’s okay, everything will be okay, I’ll take care of it,’ pero saan? Hindi lang ba sa akin, pati sa mga bata at sa lahat ng bagay,” sabi pa ng Kapuso actress-singer.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending