Anji Salvacion dedma sa nanlalait sa kanyang acting: ‘Reading their messages will break you’
NAG-REACT na ang young actress na si Anji Salvacion matapos ang pagnenega sa kanyang pag-arte.
Kung maaalala, nag-trending si Anji sa social media dahil marami ang hindi natutuwa sa ipinapakita niyang performance sa “Linlang,” ang seryeng pinagbibidahan nina Kim Chiu, Maricel Soriano, JM de Guzman at Paulo Avelino.
Sa interview ng PEP.ph, inamin ni Anji na nababasa niya ang mga komento pagdating sa kanyang acting performance.
Ayon sa kanya, ginagawa niya ito upang malaman kung ano pa ang kailangang niyang ma-improve sa kanyang acting skills.
“I’ve read comments, and yes, I’m taking them seriously, especially the constructive ones, because I know they would really help improve my craft,” sagot ni Anji.
Baka Bet Mo: Anji Salvacion sinuwerte mula nang tanghaling ‘PBB’ big winner; pero hindi na nakakauwi ng Siargao
Paliwanag niya, “I see myself as a work in progress, which is why I welcome comments on my acting, and I believe that learning is a continuous process.”
Gayunpaman, nilinaw ng young actress na hindi niya pinapatulan ang mga epal na bashers at ang mas binibigyang-pansin niya ay ‘yung mga komento na talagang makakatulong sa kanya.
“Some comments were just making fun of me, and they weren’t helpful anyway,” sambit niya.
Patuloy pa niya, “Reading their messages will break you if you don’t know how to deal with them, kasi kung iisipin mo itong mga taong nanglalait sa akin, I don’t think they can act well either.”
“That’s why it’s better to ignore them and focus on the helpful comments, and I want to emphasize once again that I am open to comments that I believe will help me improve my acting skills,” aniya pa.
Inamin din ni Anji na hindi madali ang pagsabak niya sa “Linlang,” lalo’t kasama niya ang ilang bigating mga artista.
“Yes, I was shocked by the intensity of every scene and deeply affected by it,” wika ni Anji.
Kwento niya, “It took me a while to adjust. This is the very first teleserye I’ve done, and it’s a heavy drama.”
“I would say that I had a difficult time adjusting, but with the help of my co-actors and directors, I was able to give my best,” dagdag niya.
Lubos ang pasasalamat ni Anji dahil talagang tinutulungan daw siya ng kanyang mga trabaho sa mga gagawin niyang eksena.
“Kaya I’m grateful and thankful to teacher Ruby Ruiz at aming mga directors for their patience and for helping us delivered our eksena,” sey ng aktres.
Aniya pa, “I just felt honored to witness how the veterans do their jobs, and I really learned a lot from them.”
Nagsimula ang showbiz career ni Anji noong sumali siya sa “Idol Philippines” season 1 noong 2019.
Pagkatapos niyan ay sumalang din siya sa “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” kung saan siya ang itinanghal na big winner noong 2022.
Related Chika:
Alexa Ilacad sinagot ang tanong tungkol kay Anji Salvacion: Bakit naman kami hindi magiging okay?!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.