Alexa Ilacad sinagot ang tanong tungkol kay Anji Salvacion: Bakit naman kami hindi magiging okay?!
SINAGOT ng aktres na si Alexa Ilacad ang comment ng isang netizen patungkol sa kanila ng kapwa âPinoy Big Brotherâ celebrity housemate na si Anji Salvacion.
Sa kanyang Kumu live ay may isang manonood na nagtanong kung okay ba sila ng batang singer.
âMay nagtanong kung okay kami ni Anji. Yes, of course. Bakit naman hindi magiging okay?â saad ni Alexa.
Dagdag pa niya, noong nagkita raw sila para sa isang prod number sa variety show na âASAP Natin âToâ ay binigyan pa niya ang dalaga ng regalo.
Kaya daw hindi niya maintindihan kung bakit nag-aaway away ang mga fandom gayong okay naman sila.
âI donât understand why you guys are foghting. Okay naman kami ni Anji, weâre good,â sey ni Alexa.
View this post on Instagram
Marahil ay curious lang ang mga netizens dahil sa naibahagi ni Anji sa kanyang interview na tila hindi sila okay ng kapwa housemate at kaibigang si KD Estrada.
Bago pa kasi sila pumasok sa Bahay ni Kuya ay magkakilala na sila Anji at KD at tila mayroon rin silang âespesyal na pagtitinginanâ noon.
Ngunit nang pumasok sila sa âPBBâ ay nilinaw ni Anji na hanggang friends lang muna sila ni KD sa ngayon kaya naman tinanggap na lang ito ng binata at nanatiling naging mabuting magkaibigan sila sa loob ng PBB house.
Ngunit sa paglabas nila ay tila naramdaman ni Anji na hindi sila okay ni KD.
Samantala, mas nagiging close naman sina Alexa at KD sa isaât isa lalo na nang makalabas na sila finally sa outside world.
Sa sobrang close nga nila ay larawan nilang dalawa ang wallpaper ng binata sa kanyang cellphone.
Kung may kinalaman man rito ang naging tanong ng netizen kay Alexa ay may chance pero si Alexa na mismo ang nagkumpirma na okay sila at nawaây tigilan na ng kanilang supporters ang pag-aaway at maging happy na lang dahil magkakaibigan naman ang kanilang mga iniidolo.
Related Chika:
Anji Salvacion ânag-sorryâ sa madlang pipol matapos tanghaling Top 2 sa âPBBâ season 10
Alexa Ilacad kontra sa mga âMaritesâ: Letâs just stop them sa halip na kunsintihin at pakinggan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.