Female star gigil much sa kilalang aktor na bobong umarte

Sikat na female star gigil much sa kilalang aktor na bobo pa ring umarte

Reggee Bonoan |April 16,2024
facebook
share this

Sikat na female star gigil much sa kilalang aktor na bobo pa ring umarte

Reggee Bonoan - April 16, 2024 - 10:03 AM

Sikat na female star gigil much sa kilalang aktor na bobo pa ring umarte

Guess, guess who!?

HIRAP na hirap mag-pretend ng kilalang aktres sa kanyang leading man na hindi niya gusto ang ugali dahil may pagka-conceited.

Gusto rin daw ng aktor na laging maganda ang kanyang mga anggulo sa kanilang mga eksena.

Hindi naman bading ang leading man ng aktres, masyado lang conscious sa mga kuha sa kanya sa serye nila kaya kinaiiritahan ng kilalang aktres at ilang staff.

Baka Bet Mo: Kilalang aktor bano pa ring umarte kahit nakailang workshop na, mabait lang kaya hindi nawawalan ng projects

Ang kilalang aktres ay dating “diva” pero dahil nag-mature na kaya naging super bait na nito sa lahat kaya nu’ng nakita niyang ganito ang ugali ng leading man niya ay iritang-irita siya pero dahil kailangan na niyang tapusin ang series nila kaya nakisama siya nang husto sa set.

Okay lang naman daw ang aktor pero ang gusto lang nito ay lagi siyang masusunod kapag may suhestiyon siya at kapag hindi nagustuhan ay nagsusumbong sa direktor na katsika niya at inaayunan siya lagi.

Nasanay lang daw talaga na bida-bida ang leading man ng kilalang aktres kaya lumaki ang ulo na feeling kagaling-galing umarte, e, wala naman, nagkataon lang na malakas siya sa direktor.

Hindi gay ang director, pareho silang lalaki ng leading man kaya walang malisya ang closeness nila, wala rin kaming alam kung nagkakasama sila ourside work para ma-develop ang closeness nila at wala rin kaming alam na may common friends sila – o baka discreet lang ang closeness nila.

Baka Bet Mo: Sikat na leading man pakembot-kembot na rumarampa sa mall habang may kasamang lalaki

Anyway, kapag tinatanong ng staff ang kilalang aktres kung okay lang siya ay ngumingiti lang ito. sabay sabing, “Tapusin na natin ‘to (series).’

Sa kasalukuyan ay hindi pa ipinalalabas ang series nila dahil maraming ine-edit kasi nga hindi naman ganu’n kagaling umarte ang leading man kaya kailangang dayain at hindi rin guwapo, kaya pala gigil na gigil kapag hindi niya anggulo ang kinukunan.

“Kung hindi pa siya maputi at matangkad, ewan kung saan siya dadamputin,” say ng aming kausap.

Paano pala kung may part two ang series dahil as of now ay isang season lang muna ang na-shoot.

“Ewan kung paano si ____ (kilalang aktres), pero tapos na ang kontrata niya for that series kaya magkakaalamanan kung gusto niyang ituloy o tatanggi na siya dahil sa leading man niya,” paliwanag ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabihan pala kami ng isa sa bossing ng series na ayaw na rin daw niyang maka-work ang leading man, puwede raw ituloy ang series basta’t ibang karakter na.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending