Kilalang aktres at aktor hindi na natuloy ang project, bakit nga ba?

Kilalang aktres at aktor hindi na natuloy ang project, bakit nga ba?

Reggee Bonoan |January 19,2024
facebook
share this

Kilalang aktres at aktor hindi na natuloy ang project, bakit nga ba?

Reggee Bonoan - January 19, 2024 - 04:12 PM

Kilalang aktres at aktor hindi na natuloy ang project, bakit nga ba?

ILANG taon nang naghihintay ang loyalistang supporters ng kilalang aktor at aktres na gumawa sila ulit ng pelikula dahil maganda naman talaga ang partnership ng dalawa.

Maging ang mga taong nasa likod ng karera nang dalawa ay gusto ring magtambal sina kilalang aktor at aktres pero hindi nangyayari dahil parehong busy.

Nalaman namin ang dahilan kung bakit hindi na muling magtatambal ang dalawang sikat na artista.

“Nu’ng tanungin sina (aktor at aktres) gusto din naman nila, ang kaso may taong dapat i-consider sa part ng aktres kasi siya ‘yung may ayaw. Sabi nga ni (aktres) ilang beses na niyang kinausap at sagot lang daw ‘bahala ka.’

“So, kung ganu’n ang sagot, e, di ayaw. Kesa nga namang magkaroon pa ng samaan ng loob at gusot iwas na lang pati rin naman si aktor umiwas na rin para walang isyu,” kuwento ng aming source.

Baka Bet Mo: Anak ng kilalang aktres usap-usapan kung sino ang tunay na ama, hindi raw kamukha ng kasalukuyang partner

Nabanggit ding may pinitch dati kina kilalang aktor at aktres na bagay na bagay sa kanila at walang ibang artistang puwedeng gumanap kundi sila lang kaya nakiusap ang producer na gawin pero hindi nangyari.

Kaya nanghinayang noon ang production team na hahawak sana ng project at may nagpayo naman na ibigay na lang sa iba na kapareho rin ng level ng kasikatan nang aktor at aktres pero tumanggi ang nagsulat ng script pati na rin ang producer.

Ang ending nasa ‘baul’ ang script na dekada na ang inabot.

Sa kasalukuyan ay mas maraming projects ang kilalang aktor kumpara sa kilalang aktres na balitang namimili ng projects lalo na sa mga makakasama niya.

“Sa rami ng pinitch kay (aktres) na magaganda at kung tinanggap niya, naku malamang 2x a year may pelikula siya,” sabi pa ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending