Andres never pang nagkadyowa; handa na sa hamon ng showbiz

Andres never pang nagkadyowa; handa na sa hamon at intriga ng showbiz

Ervin Santiago |April 15,2024
facebook
share this

Andres never pang nagkadyowa; handa na sa hamon at intriga ng showbiz

Ervin Santiago - April 15, 2024 - 03:06 PM

Andres never pang nagkadyowa; handa na sa hamon at intriga ng showbiz

HANDANG-HANDA na ang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na si Andres Muhlach sa pagsabak sa mundo ng showbiz.

In fairness, matagal nang abangers ang kanyang mga fans na um-enter na siya sa showbiz at ito na nga ang katuparan ng kanilang pangarap.

Humarap ang young heartthrob at showbiz royalty sa ilang members ng entertainment media ngayong hapon para ibandera ang good news — na finally ay papasukin na rin niya ang larangan ng pag-arte.

Kasama ni Andres ang buong pamilya Muhlach sa kanyang launching acting project sa TV5 na eere na ngayong May, ang “Da Pers Family.”

Ang karakter ni Andres ay anak ng isang panadero na kinailangang iwan ang kanyang trabaho bilang anime artist para tumulong sa negosyong panaderya ng pamilya.

Baka Bet Mo: Aga Muhlach proud bilang asawa ni Charlene: The best decision I ever made

At parang sa totoong buhay, gagampanan rin nina Aga at Charlene ang mga magulang ni Andres sa serye, at kapatid rin niya si Atasha sa show.

Pinakaunang acting project ni Andres ang “Da Pers Family” at ngayon pa lang ay hindi na magkamayaw ang mga fans sa kanya, lalo pa nu’ng nag-guest siya sa “Peraphy” segment ng “Eat Bulaga” sa TV5.

Noon pa man ay lumalabas na sa mga fashion show at magazine shoots si Andres, pero ito ang unang beses na mas madalas nang makikita ng mga fans ang binata sa telebisyon.

Para mapaghandaan ang kanyang showbiz debut ay sumailalim si Andres sa acting, dance, at singing workshops nitong mga nakaraan na buwan.

Dapat ding abangan ang kanyang paglabas sa isang advertising campaign ng isang sikat na local food brand.

May ilan pang major projects na inaayos para kay Andres, kaya naman magiging exciting and 2024 para sa bahong crush ng bayan.

Samantala, inamin ni Andres sa presscon na isa siyang certified “No Girlfriend Since Birth” o NGSB, meaning never pa siyang nagkadyowa ever.

Sa edad na 22, wala pang naging GF si Andres pero inamin naman niyang nakipag-date rin siya noon pero talagang hindi pa siya nagkakaroon ng seryosong relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi naman daw siya nape-pressure na manligaw at magkadyowa ngayon, lalo na ngayong mas magiging busy na siya sa mga gagawin niyang projects ngayong 2024.

Pero ang isa raw sa mga qualities ng babae na hinahanap niya ay God-fearing at “someone who can make him laugh.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending