Aga Muhlach proud bilang asawa ni Charlene Gonzales

Aga Muhlach proud bilang asawa ni Charlene: The best decision I ever made

Pauline del Rosario |February 15,2024
facebook
share this

Aga Muhlach proud bilang asawa ni Charlene: The best decision I ever made

Pauline del Rosario - February 15, 2024 - 05:30 PM

Aga Muhlach proud bilang asawa ni Charlene: The best decision I ever made

PHOTO: Instagram/@agamuhlach317

ISA sa pinakamatibay na couple sa mundo ng showbiz ay ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales.

At para kay Aga, ang pagpapakasal kay Charlene ang “the best decision” na ginawa niya sa kanyang buhay.

‘Yan ang inamin mismo ng batikang aktor nang ma-interview siya ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz sa kanyang latest YouTube vlog.

Sa bahagi ng panayam, inamin ng aktor na hindi mawawala ang may magparamdam na mga babae sa kanya sa kabila ng masaya niyang married life.

Pero hindi daw niya ito pinapansin dahil masaya at tahimik na raw ang pagsasama nila ng misis.

“I think it’s important also, hindi po ito advice, parang sa akin lang, is when I made a decision to marry, it’s because number one, I wanted to settle down already. Number two, I love the girl. I didn’t marry just to get married. I married because I want her as my partner for life,” paliwanag niya.

Baka Bet Mo: Aga Muhlach, pamilya nakipagsanib-pwersa na sa TV5 at Viva Artists Agency

Giit pa niya, “That decision that time up to now was the best decision I ever made.”

Dagdag pa ni Aga, “[married life] is supposed to be nice.”

“If it’s not working naman talaga, I think it’s okay to separate. If it’s not working, why be together? Marami nang nangyaring ganyan na naghiwalay noon at nakapaghanap sila ng bagong partner nila na ngayong happily married forever,” payo niya sa mga nanghihingi ng advice.

Sambit pa niya, “Kung pareho kayong hindi masaya, eh bakit kayo magkasama? Para sa mga anak? Parang hindi ako naniniwala yata doon kasi nakikita ng mga bata ‘yun eh.”

“I think it’s added stress for the children because love should overflow from the parents down to the kids. Love is not salita, love is action,” ani pa ng veteran actor.

Kung matatandaan, May 2001 nang ikinasal sina Aga at Charlene sa St. Joseph the Worker Church sa Baguio City.

Inamin dati ni Aga na never sila nagkaroon ng boyfriend-girlfriend relationship.

Bilang naging magkaibigan naman daw sila, bigla lang siya nag-propose kay Charlene na maging asawa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Masaya namang nag-“yes,” aniya, sa kanya ang dating beauty queen at doon na nagsimula ang kanilang forever.

Mayroon silang kambal na anak na sina Atasha at Andres na ngayon ay pinasok na rin ang mundo ng showbiz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending