Sakit ni Ogie pinagaling daw ng magic cream: ‘Wag po kayong magpaloko!
NAGAMIT na naman ang Ultimate Singer-Songwriter na si Ogie Alcasid ng mga pekeng ads at bogus marketing contents sa social media.
Naglabas ng warning ang husband ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez laban sa mga scammer na gumagamit sa pangalan at mga litrato niya sa panloloko sa publiko.
Paglilinaw ng “It’s Showtime”, hindi totoo ang mga kumakalat ngayong litrato sa ilang Facebook page na naospital siya dahil sa osteoarthritis.
Baka Bet Mo: Saab Magalona naloka sa whitening cream na ibinebenta sa ibang bansa na may picture niya: Why naman ganorn?!
Nakalagay pa sa caption ng naturang litrato kung saan makikita ngang nakahiga sa kama at tila nakaratay sa isang hospital si Ogie, na gumaling ang kanyang mga sakit dahil sa pagpahid ng isang cream.
View this post on Instagram
Sa kaniyang Instagram post nitong weekend, ni-repost ni Ogie ang mga naturang litrato kung saan mababasa ang pagpapasalamat niya sa ospital at sa mga doktor na nag-asikaso sa kanya.
Bukod dito, nabanggit din na nakatulong nang malaki sa paggaling niya ang ginamit niyang cream para mawala ang kanyang karamdaman.
May litrato rin sa nasabing post ang isang doktor, ng packaging ng cream, at isa pang picture ni Ogie na tila magaling at malakas na.
Baka Bet Mo: Sam Verzosa buwis-buhay na sinabayan si ‘Mamang Sorbetero’ sa karagatan
Sa IG post ni Ogie, mariin niyang pinabulaanan ang lahat ng nasa post, lalo na ang kunu-kunong cream na ineendorso raw niya.
“Hindi ko po iniindorso ito at wag po kayo magpaloko,” ang babala ni Ogie sa madlang pipol.
Maraming nagkomento sa post na iyon ng singer-comedian kabilang na nga ang aktres na si Alessandra De Rossi.
“Ang taray ng cream pero sa hospital nagpagamot hahahuhuhu,” ang post ni Alex.
View this post on Instagram
Komento naman ni Vina Morales, “Omg! report yan … coach @ogiealcasid and sis reg @reginevalcasid day?”
Sey ni Kris Lawrence, “Tsk tsk!”
“Dapat sampahin ang kaso laban sa mga pekeng post na ginagamit ang kanyang pangalan sa panloloko tulad ng nasa larawan,” suggestion ng isang netizen.
“So many fake ads. You should take legal action against them because they just keep reappearing elsewhere. Cybercrime,” ayon sa isang IG user.
“Naku naku always nalang ginagamit si sir @ogiealcasid ng mg shuta na yan!” comment ng isa pang nanggigil sa scammer.
Komento ng isa pa, “Grabe Sir Ogie, kala ko totoo! Haizzzt ang mga walang magawang kabutihan sa kapwa for them para gumawa sila ng tama.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.