Janella natakot nang ma-ICU ang anak, tinamaan ng pneumonia

Janella natakot nang ma-ICU ang anak, kaya kinansela muna ang concert

Ervin Santiago |April 14,2024
facebook
share this

Janella natakot nang ma-ICU ang anak, kaya kinansela muna ang concert

Ervin Santiago - April 14, 2024 - 12:08 PM

Janella natakot nang ma-ICU ang anak, kaya kinansela muna ang concert

Janella Salvador at Jude Paterson

NAG-ALALA nang bonggang-bongga bilang ina si Janella Salvador nang maospital ang anak na si Jude dahil sa pneumonia.

Kuwento ng direktor at manager ng Kapamilya actress-singer na si Manny Valera, na-ICU (intensive care unit) kamakailan ang anak nina Janella at Markus Paterson.

Nakachikahan namin at ng ilang piling members ng showbiz press si Direk Manny kahapon sa presscon ng upcoming project ng Regal Entertainment na “Guilty Pleasure” starring Lovi Poe, Jameson Blake and JM de Guzman.

Baka Bet Mo: Bimby tinamaan uli ng pneumonia, Kris pinagbawalan ng doktor na lumapit sa anak: ‘It was the worst feeling in the world’

Pagbabahagi ng talent manager, ang pagkakaospital ni Jude ang tunay na rason kung bakit hindi muna matutuloy ang 10th anniversary concert ng aktres at celebrity mom.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ayon pa kay Direk Manny, talagang inatake ng matinding takot at anxiety si Janella nang isugod sa ICU ang anak kaya naman hindi na siya nakapag-rehearse at nakapag-promote ng kanyang concert.

“Nagka-pneumonia (si Jude), basta nagkasakit and he needed to be hospitalized at St. Luke’s.

“Limang araw siya sa ICU. So, ­siyempre disturbed ang utak (ni Janella). Aside from that, siyempre you missed the band rehearsal. She also missed ‘yung mga mall show. Nag-pack up kami ng apat o lima kasi hindi siya maka-focus dahil ang utak niya nasa anak, ‘di ba?

Baka Bet Mo: Janella sa chikang hiwalay na sila ni Markus: We’re both happy as individuals, our main priority now is Jude

“And then after four to five days nag-regular room na ng mga two days. One week siya sa hospital,” ang pahayag ni Direk Manny.

Sa tanong kung kailan matutuloy ang anniversary concert ng kanyang alaga, “Nagta-target kami base sa last usapan namin September. Kasi gustong tapusin ni Janella ‘yung responsibilities niya, kasi until now may promo pa rin ng Mallari abroad, sa Singapore.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“E, bilang mabait tinutupad niya ‘yung trabaho ng isang artista ng Mallari. So nao-occupy ‘yung oras niya and then siyempre pinasok na namin ‘yung matagal nang schedule na How to Be A Good Wife with Jane de Leon,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nang ihayag ang kanselasyon ng concert ni Janella, may naglabasang chika na mahina raw ang bentahan ng ticket kaya hindi muna itinuloy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending