Janella sa chikang hiwalay na sila ni Markus: We're both happy as individuals, our main priority now is Jude | Bandera

Janella sa chikang hiwalay na sila ni Markus: We’re both happy as individuals, our main priority now is Jude

Ervin Santiago |August 10,2022
facebook
share this

Janella sa chikang hiwalay na sila ni Markus: We’re both happy as individuals, our main priority now is Jude

Ervin Santiago - August 10, 2022 - 07:35 AM

Markus Paterson, Janella Salvador at Jude Trevor

MUKHANG maayos naman ang naging paghihiwalay ng celebrity couple na sina Janella Salvador at Markus Paterson pati na ang co-parenting agreement nila para sa anak nilang si Jude Trevor.

Matagal nang usap-usapan ang breakup ng dalawang Kapamilya stars pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ito diretsahang inaamin sa publiko.

Pero sa naging mga sagot ni Janella sa mga tanong tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Markus, parang kinumpirma na rin ng aktres na wala na nga sila ng aktor.

Sa nakaraang presscon ng “Mars Ravelo’s Darna” kung saan gaganap na Valentina si Janella, natanong nga siya kung totoong hiwalay na sila ni Markus.

Tugon ng celebrity mom, “Masaya naman ako ngayon, happy, at peace. Okay naman kami, basta okay kami. We’re both happy as individuals and our main priority is Jude.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janella Salvador (@superjanella)


Sumunod na question sa kanya ay kung posible pa ba siyang ma-in love uli at kung mas gusto na ba niyang non-showbiz ang next boyfriend niya para iwas-intriga.

Sagot ni Janella, “Hindi naman ako mapili. Kung sino ang dumating basta’t maayos, basta’t mamahalin ako.”

Samantala, mas gusto raw munang mag-focus ngayon ng aktres kay Jude na magdadalawang-taon na this year at sa kanyang showbiz career.

“Siguro yung priorities ko, ngayon lahat ng ginagawa ko for Jude. Mas na-inspire ako magtrabaho, to work hard, kasi nga mayroon na akong anak. Hindi ko lang ito ginagawa para sa sarili ko kundi para kay Jude din,” pahayag ni Valentina.

Sey pa ni Janella, marami rin siyang adjustments na ginawa nang sumabak siya sa lock-in taping para sa “Darna” lalo na’t nanay na rin siya ngayon.

“Actually, challenge talaga siya kasi I really have to make a sacrifice. Pag naka-lock- in kami, siyempre di ko masyadong nakikita si Jude and that’s the hardest part of it. Pero iniisip ko na lang na ginagawa ko ito para sa kanya.

“As a mom, siguro mas natutunan ko na maging patient. Yung patience ko ngayon, I learned how to be more understanding and to look at the bigger picture.

“Kunwari, why people act the way they do. Mas iniintindi ko from other people’s points of view,” sabi pa ng kontrabida ni Jane de Leon sa muling paglipad ni Darna.

Nagkuwento rin siya tungkol sa relasyon nila ngayon ng kanyang inang si Jenine Desiderio, “Siyempre minsan mayroon pa rin kaming mga di pagkakaintindihan, pero okay naman kami.

“Mas naintindihan? Yes, of course, mas naa-appreciate ko siya ngayon. The fact that she’s here helping me. She’s always there for me.

“She was a single mom, she did this all on her own. Talagang she’s one of the strongest women I’ve known,” pahayag pa ni Janella.

https://bandera.inquirer.net/304888/janella-markus-wala-pang-balak-magpakasal-yung-focus-namin-ngayon-na-kay-baby-jude-talaga

https://bandera.inquirer.net/293980/janella-nagpa-lipo-para-bumalik-ang-self-confidence-best-decision-ever

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/316217/markus-may-drinking-problem-hiwalay-na-nga-ba-kay-janella-kahit-nakatira-sa-iisang-bahay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending