Pagpanaw ni Imelda Marcos ‘fake news’, naka-confine dahil sa pneumonia
HINDI totoong sumakabilang-buhay na ang dating first lady na si Imelda Marcos.
Ito ang kinumpirma mismo ng Palasyo ngayong March 7.
Giit ni Presidential Communications Secretary Cheloy Garafil, fake news ang kumakalat na balita sa social media.
Ang chismis na pumanaw na umano ang ina ni Pangulong Bongbong Marcos ay nagsimula nang kumpirmahin noong Martes, March 5, ni Senador Imee Marcos na naka-confine ang kanilang ina sa ospital dahil sa pneumonia.
Ang dating first lady ay nagkaroon ng lagnat at ubo.
Nasa Asean-Australia Summit si Pangulong Bongbong nang isinugod sa ospital si Imelda.
Baka Bet Mo: Jinkee Pacquiao hindi susundan ang yapak ni Imelda Marcos sakaling manalo si Pacman sa eleksiyon
Gayunpaman, tiniyak ni PBBM sa pamamagitan ng kanyang X (dating Twitter) account na nakausap na niya ang doktor ng kanyang ina at nabigyan na raw ito ng antibiotics.
“I just spoke with my mother’s doctors. She is suffering from slight pneumonia and is running a fever,” post ng pangulo.
Sey pa niya, “She has been put on a course of antibiotics and the doctors are confident that this will relieve her fever.”
“She is in good spirits, has no difficulty in breathing and is resting well. I thank the Filipino public for their concern and prayers,” ani pa niya.
I just spoke with my mother’s doctors. She is suffering from slight pneumonia and is running a fever. She has been put on a course of antibiotics and the doctors are confident that this will relieve her fever.
She is in good spirits, has no difficulty in breathing and is resting…
— Bongbong Marcos (@bongbongmarcos) March 5, 2024
Sa comment section, maraming netizens ang nag-alala sa kalagayan ng dating first lady at nagpaabot ng “well wishes” para sa agarang paggaling niya.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Get well soon Madame Imelda. Sending prayers for your quick recovery [folded hands emojis].”
“Get well soon , Mr. President [folded hands emojis].”
“I’m praying for a speedy recovery President. I hope our dating first lady recovers well.”
“Sending prayers for your mother’s speedy recovery [red heart, folded hands emojis]”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.