Giant billboard ni Imelda Marcos trending sa social media, bakit kaya? | Bandera

Giant billboard ni Imelda Marcos trending sa social media, bakit kaya?

Therese Arceo - July 02, 2022 - 05:03 PM

Giant bilboard ni Imelda Marcos trending sa social media, bakit kaya?

USAP-USAPAN ngayon ang dating First Lady Imelda Marcos dahil sa kanyang giant billboard sa EDSA.

Ngayong araw ang ika-93rd birthday ng asawa ni Ferdinand Marcos at marahil bilang pagbati sa dating Unang Ginang ang naturang billboard na makikita sa south wall ng GA Tower sa Mandaluyong.

Marami sa mga motorista ang nakapansin nito at agad na ngang kumalat sa social media ang mga larawan ng giant billboard.

Bukod rito, kapansin-pansin rin ang nakasulat dito na “Happy 93th Birthday FIRST LADY IMELDA ROMUALDEZ MARCOS.”

Agad na pinuna ng mga netizens ang nakasulat at sinabing imbes na “93th” ay dapat “93rd” ito.

Bukod rito, agaw pansin rin ito dahil sa larawang ginamit sa giant billboard kung saan nakasuot siya ng pulang gown. Ang larawang ito ay mula sa poster ng 2019 documentary film na “The Kingmaker”.

Ang istorya ng “The Kingmaker” ay patungkol sa kontrobersyal na political career ni Imelda Marcos at ang kanilang mga ginawang paraan para sa kanilang imahe at para makabalik muli sa kapangyarihan.

At dahil nga agad itong nag-trending sa social media ay nakarating ito sa direktor ng documentary film na si Lauren Greenfield.

Saad niya sa kanyang tweet, “Clearly, whoever stole my image to wish Imelda Happy Birthday doesn’t understand copyright infringement.”

“If anyone knows who owns the billboard and the building involved, please dm [direct message] me and @mattshonfeld @instituteartist,” dagdag pa niya.

May mga sumagot nga sa panawagan ng direktor kaya naman nalaman niya kung sino ang gumamit ng walang pahintulot sa kanyang larawan na nasa giant billboard ni Imelda Marcos.

“Perhaps Mr. Alvin Carranza and Digital Out-of-Home PH can explain why they are involved in the copyright infringement of my work?” sey pa ni Lauren Greenfield.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo ng responsable sa naturang giant billboard ng dating First Lady.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Other Stories:
Ruffa Gutierrez gaganap nga ba bilang Imelda Marcos sa ‘Maid in Malacañang’?

Jinkee Pacquiao hindi susundan ang yapak ni Imelda Marcos sakaling manalo si Pacman sa eleksiyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending