Janus barag kay Teddy: Nakakapangit ang pagiging bitter

Janus barag kay Teddy: Nakakapangit ng mukha, ugali ang pagiging bitter

Ervin Santiago |April 14,2024
facebook
share this

Janus barag kay Teddy: Nakakapangit ng mukha, ugali ang pagiging bitter

Ervin Santiago - April 14, 2024 - 07:45 AM

Janus barag kay Teddy: Nakakapangit ng mukha, ugali ang pagiging bitter

Teddy Corpuz at Janus del Prado

BINARAG ng singer-TV host na si Teddy Corpuz ang patutsada ni Janus del Prado tungkol sa mga ipokritang celebrities.

Kahit walang binanggit na pangalan, feeling ng mga netizens ay para kay Janus ang ipinost ng “It’s Showtime” host sa kanyang social media page kamakailan.

Pinatamaan kasi ni Janus ang ilang artista na nag-o-ober da bakod ngayon sa ibang TV network na umookray at kumukuwestiyon sa loyalty ng mga naglipatang celebrities noon.

Baka Bet Mo: Janus hindi hahayaang maagrabyado ang mga showbiz friends: Makikipagpatayan ako para sa kaibigan ko

Dating ABS-CBN talent si Janus na lumipat sa Kapuso Network at ngayo’y napapanood nga sa primetime series na “Black Rider” starring Ruru Madrid and Yassi Pressman (dati ring Kapamilya).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ang paniwala ng mga netizens, ang grupo nina Vice Ganda at Anne Curtis ang pinatatamaan ni Janus dahil nga parang naglipatan na rin ang mga ito sa GMA 7 dahil umeere na rin dito ang “It’s Showtime”.

Kasunod nga nito, nag-post ang “Showtime” host na si Teddy sa kanyang X account. Aniya, “Learn to forgive. Mas magaan sa pakiramdam, puso, at sa konsyensiya.

“Focus ka lang sa kalagayan at diskarte mo at huwag ikumpara ang katayuan mo sa katayuan ng iba.

“Nakakapangit ng mukha at ugali ang pagiging bitter. Forgive par! Love! Love!” ang matapang at tila nang-aasar na parinig ni Teddy.

Wala mang binanggit na names si Teddy, naniniwala ang lahat ng nakabasa ng post niya na para ito kay Janus.

Baka Bet Mo: Dating kaklase ni Vice Ganda sa college nag-sorry sa harap ng madlang pipol: ‘Binu-bully kasi namin siya dati’

Matatandaang nag-post si Janus sa kanyang Instagram account ng sarkastikong nagtanong sa mga tumitira at bumabanat sa mga naglilipatang artista noon sa ibang network.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“‘Yung mga bumatikos sa mga lumipat dati, naglipatan na din ngayon lol. Kala ko ba hindi loyal ang mga lumilipat? #hypocrites,” ang laman ng IG post ni Janus.

Iba-iba ang naging reaksiyon ng netizens sa hirit ni Janus, may mga kumampi sa kanya pero meron ding kumontra at nagsabing dapat niyang respetuhin ang desisyon at paniniwala ng mga kapwa niya celebrity.

“Hindi sila lumipat, pinalabas ang programa nila… magkaiba un huyy!”

“Meaning lang po lods, baka hindi kaya ng mga current GMA artist na buhayin ang noon time ng GMA kaya need help sa ABS CBN artists. Kaya kinuha na lang buong Showtime tota wala naman sila channel to formally air their shows. Pero as far as I know wala pong lumipat. Abs CBN artists padin sila. Need lang din ni GMA help nila so win win padin. Business strategies lang.”

“Wala naman binanggit si Janus na name nong lumipat kuno so bakit G n G kayo sa kanya?”

“APAKABOBO MO TALAGA KAYA HINDI UMABANTE CAREER MO EH.”

“OA naman ni @janusdelprado as if naman Big Star Talaga!!  hahahaha.”

“Hindi naman sila hypocrites kasi wala namang lumipat? Since under ABSCBN management pa din naman sila? Naki ere lang sila sa GMA yun lanf”

“Idol kita lods. Pero dapat di na pinapalaki to. Kung lumipat lumipat wala naman na magagawa tsaka baka yun din ang tamang move para sa career nila.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hndi naman po sila lumipat.. bkt ba kasi ayw ng gma gumawa ng sarili nilang noontime show? Eh marami silang artist na sa network nila? Hehe mas gusto nila kunin ang showtime?! Gma tlga may sarili namang mga artista guato mga tga abscbn.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending