Janus del Prado kay Ogie Diaz: Thank you for helping me see the potential in me | Bandera

Janus del Prado kay Ogie Diaz: Thank you for helping me see the potential in me

Therese Arceo |December 26,2021
facebook
share this

Janus del Prado kay Ogie Diaz: Thank you for helping me see the potential in me

Therese Arceo - December 26, 2021 - 08:36 PM

Janus del Prado kay Ogie Diaz: Thank you for helping me see the potential in me

PUNUNG-PUNO ng pagmamahal ang appreciation post ng aktor na si Janus del Prado sa kaibigan at bagong talent manager niyang si Ogie Diaz.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng aktor kung gaano siya ka-thankful sa kanyang talent manager.

Isa kasi si Ogie sa mga sumaklolo kay Janus sa mga panahong higit siyang nangangailangan ng tulong.

Ito rin ang tumulong sa kanya na magkaroon ng bagong matutuluyan matapos niyang umalis sa dating nirerentahan at sa bahay ng kanyang pamilya na pansamantala niyang tinuluyan.

“Thank you for everything, Ogs. Thank you for helping me sa mga pangyayari sa buhay ko this 2021, thank you for giving me a place to stay na pina-rent ko sa akin ng palugi. Thank you for mentoring me sa social media, for accepting me sa roster ng mga talents mo kahit di ka na talaga tumatanggap ng mga bagong alaga, for helping me put my life back together na this time ako muna ang priority ko.

“And most of all, thank you for helping me see the potential in me na di ko makita dahil sa mga tao sa paligid ko na bumulag sa akin,” saad ni Janus.

Nagpasalamat rin ang aktor sa pagiging isa sa mga totoong kaibigan na kanyang matatakbuhan.

“Thank you for being a true friend na nais lang makatulong sa kaibigan na walang haling panunumbat o hinihintay na kapalit. Labyu Ogs. Dito lang din ako lagi para sa yo. Alam mo yan. Tayo pa ba?” dagdag pa niya.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janus Del Prado (@janusdelprado)


Nag-comment naman si Ogie sa post ni Janus para sa kanya.

“Mahal kita ‘as a friend’, hahaha! Ingat ka lagi,” short but sweet answer ni Ogie.

Marami naman ang humanga sa pagkakaibigan ng dalawa.

“Merry Christmas sir Janus and Mama Ogs, nawa ay malampasan natin lahat ang mga pagsubokna ating kinakaharap ngayon. Stay strong lang palagi,” sey ng isang netizen.

“Wow, nakakahanga naman! You’re such an inspiration mama ogs. I like Janus. Naawa talaga ako sa kanya. You are so lucky to have each other. May God bless you more Ogie!’ comment naman ng netizen.

“Merry Christmas Janus talented at mabuti kang kaibigan kaya deserve kang magkaroon ng magandang buhay. Swerte mo kay mama ogs,” hirit pa ng isang netizen.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Janus del Prado may matinding ‘bubog’ sa pamilya: Wala na, ulila na ako
Janus hindi hahayaang maagrabyado ang mga showbiz friends: Makikipagpatayan ako para sa kaibigan ko

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending