Janus del Prado may matinding ‘bubog’ sa pamilya: Wala na, ulila na ako
EMOSYONAL ang aktor na si Janus del Prado habang binabahagi ang kanyang pinagdaanan sa sariling pamilya.
Sa interview sa kanya ni Ogie Diaz, inamin ng aktor ang karanasan niya kamakailan nang makituloy siya sa tahanan ng kanyang immediate family.
Ilang taon na rin kasi buhat nang magsimula ang pandemya at aminado si Janus na isa siya sa mga lubos na naapektuhan financially.
“Hindi ko na ma-sustain ‘yung rent ko du’n sa nirerentahan ko. Hindi naman ako pinapaalis ng landlord ko pero meron kasi ako nung tinatawag na ‘hiya’. Nahihiya ako na delayed ako sa bahay so nagiging considerate lang ako sa landlord ko,” saad ni Janus.
At dahil nga nagdesisyon ang aktor na umalis ay nagtanong ito sa kanyang mga kamag-anak kung maari ba siyang makituloy pansamantala.
“Nung una ayaw nila. Hindi ko alam kung bakit pero baka may issue sila, ayaw nila. And then sabi ko, ‘Osige, meron namang isang friend na artista na mahilig ring tumulong at nagsabing pwede namang doon muna ako sa kanya kasi may extra room naman daw.
“‘Nung nadinig nila ‘yun na may magpapatira sa akin, ang dating sa kanila, ‘Baka kung ano sabihin tungkol sa amin na kami ‘yung pamilya mo hindi ka namin tinutulungan’ so pumayag sila kahit alam kong ayaw nila.”
Kahit na ramdam ni Janus na parang napilitan lang ang kaniyang immediate family na tanggapin siya sa kanilang bahay ay nag-effort pa rin ito at kahit papano ay nagko-contribute sa bahay gaya ng pagbili ng pagkain.
“Pero pinaramdam nila talaga na ayaw niya ako. ‘Yun din ‘yung ano ko na parang ‘Bakit n’yo pa ako [pinatira] kung to-torture-in n’yo rin ako ng ganito.'”
Ani Janus, simula daw ng lumipat siya sa bahay hanggang sa pinaalis siya ay hindi siya kinakausap ng nakatatandang kapatid. Nananatili lang daw siya sa kwarto at hindi rin siya maaaring sumabay sa kanila sa pagkain.
Dito ay nagsimula nang kuwestiyonin ng aktor kung bakit ganu’n ang pakikitungo sa kanya ng sariling pamilya na para bang wala itong naitulong sa pamilya.
Hindi naman daw sa ini-impose niya na magkaroon ng utang na loob ang pamilya sa mga naitulong niya pero sana man lang daw ay pakitaan siya ng appreciation.
View this post on Instagram
Inamin rin ni Janus na nagkaroon siya ng COVID-19 habang nakatira sa poder ng pamilya at imbes na pakitaan siya ng care ay sinisi pa siya ng mga ito dahil nahawaan sila ng sakit.
“Umabot ako minsan ng apat na araw hindi lumalabas ng kwarto, iihi lang. Hindi rin ako dinadalhan ng pagkain. Wala talaga kasi sinisisi nga nila ako.
“Binibigyan nila ako ng gamot para raw hindi ako makahawa ng kapitbahay at baka masisi sila.”
Laking pasasalamat ni Janus na mild lang ang sintomas ng sakit at agad rin siyang gumaling.
Kaya rin daw siya na-scam noon sa rerentahang bahay dahil nagmamadali siyang umalis sa bahay ng pamilya dahil sa naging pakikitungo ng mga ito sa kanya.
Bakas rin ang malalim na bubog ni Janus sa kanyang pamilya na matagal niyang kinimkim.
Noong bata raw ay na-trauma siya nang sampalin siya ng ina dahil sa malaking sugat sa mukha nang malaglag siya mula sa paglalaro ng monkey bars.
Kaya naman nang minsang nabali ang kanyang buto sa ilong ay tiniis ito ni Janus dahil sa takot sa maaaring gawin sa kanya ng ina lalo na at may mga taping siya.
“Ang dami kong sinakripisyo, childhood ko, lahat para sa family tapos ngayon ko lang kayo kinailangan.
“Kasalanan ko ba? Nagkataon lang na ako ‘yung nahawa. Ako ‘yung nakakuha ng sakit.”
Dagdag pa niya, sino ba naman daw ang aayaw sa maayos na relasyon sa pamilya pero kung ganito lang rin ang pakikitungo ay ‘wag na lang daw.
“Biruin mo, nasa lowest ka. Alam nilang wala kang pera, wala kang lilipatan. Alam nila na sila lang inaasahan mo na tulungan ka tapos gaganunin ka?
“Tapos na ako sa kanila. Wala na. Ulila na ako,” umiiyak na saad ni Janus.
Sey naman ni Janus sa mga magulang, “Hindi rason ang pag-aanak na kaya kayo nag-anak ay para maihango kayo sa kahirapan. Responsibilidad n’yo yan bilang magulang na sustentuhan ang anak n’yo.
“Kung gusto magtrabaho ng mga anak n’yo bilang artista, dapat extracurricular activity lang nila ‘yun. Huwag n’yong itutulad ‘yung anak n’yo sa akin.”
Related Chika:
Janus del Prado biktima ng scam; may warning sa madlang pipol
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.