Kuya Kim muling nakita sina Jugs at Teddy sa GMA: 'True friends!'

Kuya Kim muling nakita sina Jugs at Teddy sa GMA: ‘True friends!’

Pauline del Rosario |April 28,2024
facebook
share this

Kuya Kim muling nakita sina Jugs at Teddy sa GMA: ‘True friends!’

Pauline del Rosario - April 28, 2024 - 08:13 AM

Kuya Kim muling nakita sina Jugs at Teddy sa GMA: 'True friends!'

PHOTO: Instagram/@kuyakim_atienza

MASAYANG-MASAYA si Kuya Kim Atienza nang bisitahin siya ng dating co-hosts sa “It’s Showtime” na sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz sa set ng “TiktoClock.”

Sa Instagram, mapapanood ang video na kung saan si Jugs ay tumugtog ng piano at kinanta ang hit song ng Itchyworms na “Beer,” habang si Kuya Kim naman ang humahawak ng mic para sa kanya.

Nang patapos na ang video, makikitang naki-duet na rin si Teddy sa chorus ng kanta.

Caption ng weatherman sa post, “I worked with Jugs and Teddy for 7 years. I was so happy to see them in GMA today.”

Tila proud ding inilarawan ni Kuya Kim ang dalawa bilang kanyang “true friends.”

Baka Bet Mo: Jugs shookt sa magnitude 7.4 lindol: Akala ko guguho yung hotel!

“In this ever changing world, true friendship remains permanent regardless of circumstances,” dagdag niya.

Ani pa niya, “Salamat Jugs and Teddy! Love you both.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)

Sa comment section, nagulat si Jugs dahil hindi siya aware na nagvi-video pala ang kanyang kaibigan.

“@kuyakim_atienza Di ko alam na nag video ka hahahahahahaha [laughing emoji],” sey niya.

May sumingit namang isang fan sa convo at sinabing: “Nice, more of this [sparkle, piano emojis].” 

Nag-reply naman diyan si Kuya Kim ng “Sana!”

Nagpunta sa GMA building sina Jugs at Teddy dahil guests sila ng programang “Fast Talk with Boy Abunda.”

Sa kanilang panayam, inalala ng dalawang musikero kung paano nagsimula ang kanilang karera bilang show hosts at lubos na nagpapasalamat dahil binigyan sila ng tsansa sa hosting stint.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, si Kuya Kim ay kabilang sa mga original host ng nabanggit na noontime show na nagsimula noong 2009.

Umalis siya sa programa noong 2016 at lumipat sa GMA Network noong 2021.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending