Gabby inispluk sina Jake at Philmar: Kung saan happy si Andi

Gabby may inispluk tungkol kina Jake at Philmar: Kung saan happy si Andi

Ervin Santiago |April 11,2024
facebook
share this

Gabby may inispluk tungkol kina Jake at Philmar: Kung saan happy si Andi

Ervin Santiago - April 11, 2024 - 09:15 AM

Gabby may inispluk tungkol kina Jake at Philmar: Kung saan happy si Andi

Gabby Eigenmann, Andi Eigenmann, Philmar Alipayo at Jake Ejercito

TODO ang pasasalamat ng Kapuso actor na si Gabby Eigenmann kina Jake Ejercito at Philmar Alipayo, ang past at present ni Andi Eigenmann.

Hindi rin daw kasi iniwan nina Jake at Philmar ang kanyang half-sister noong nagluluksa ito sa pagkamatay ng inang  si Jaclyn Jose.

In fairness, isa si Jake (tatay ng panganay na anak ni Andi na Ellie) na sa mga unang celebrity na nakiramay sa pamilya ni Andi nang sumakabilang-buhay si Jaclyn.

Baka Bet Mo: Andi Eigenmann aminadong ‘hirap’ matapos ang pananalasa ng bagyong Odette: There’s still so much to be grateful for

Si Philmar naman na fiancé ni Andi ay nag-stay din nang ilang araw sa burol ni Jaclyn kasama ang dalawang anak na sina Lilo at Koa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kaya naman naniniwala si Gabby na maayos ang relasyon nina Andi at Philmar kay Jake at malaki rin ang respeto ng dalawang lalaki sa buhay ng aktres kay Jaclyn.

“Okay sila. You know, they both respect each other,” simulang sabi ni Gabby nang kumustahin ng ilang piling miyembro ng showbiz press kasama ang BANDERA sina Philmar at Jake sa burol ni Jaclyn.

“Nakakatuwa nga and I’m very, very grateful of course sa family ni Jake, who’s been supportive, like, the whole process of…basta kasi hindi namin alam gagawin to be honest.

Baka Bet Mo: Andi Eigenmann ‘feeling lucky’ kay Philmar: ‘We can survive even if we we don’t have money, he can catch my food’

“Jake’s there to support Ellie and noong dumating si Philmar, nagkita sila, nagbatian sila, wala namang naging problema.

“These are good men who love my sister. For sure, Jake still loves my sister, not as a partner, but as the mother of their daughter, Ellie,” pahayag pa ni Gabby.

“Okay lang din naman kay Andi. Ang main goal naman dito is whatever makes Andi happy, I will support.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Kung yun ang gusto niya, alangan naman na pigilan mo. Diyan siya masaya, you have to support, to guide her along the way para masaya, di ba?” dugtong niya.

Wala ring pinapaburan si Gabby kina Jake at Philmar, “Alam mo, mahal ko silang dalawa, e. Inf airness, kasi noong wala ako, nandoon sila (sa tabi ni Andi).

“Yung wala ako as kuya kay Andi, nandon sila. Jake has been dear to me kasi he’s been there, day one, e. Okay naman si Jake, okey rin naman si Philmar.

“Kasi technically, tatlo na yung inaalagaan ni Philmar at Andi kasi si Ellie nando’n din sa kanila.

“Jake naman has his own relationship with Ellie. Okay talaga, e. Happy ako na nandiyan sila pareho para kay Andi at sa mga pamangkin ko,” sabi pa ng “My Guardian Alien” actor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nauna rito, kinumpirma ni Gabby na pinag-uusapan na rin nina Andi at Philmar ang kanilang kasal, “Siyempre, di ba, ngayon engaged sila? One way or another, anytime soon they’re gonna get married. Who’s gonna walk her down the aisle, ako yun.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending