Richard may pa-Bible verse post, patama nga kaya kay Sarah?

Richard may pa-Bible verse post, para kaya sa pagiging single ni Sarah?

Ervin Santiago |April 11,2024
facebook
share this

Richard may pa-Bible verse post, para kaya sa pagiging single ni Sarah?

Ervin Santiago - April 11, 2024 - 07:41 AM

Richard may pa-Bible verse post, para kaya sa pagiging single ni Sarah?

Sarah Lahbati at Richard Gutierrez

MUKHANG may sagot na ang Kapamilya actor na si Richard Gutierrez sa sinabi ni Sarah Lahbati tungkol sa kanyang pagiging single.

Nag-post kasi sa social media ang estranged husband ni Sarah ng isang  Bible verse about “renewal and transformation.”

Sa kanyang Instagram Stories, nag-post ang Kapamilya star ng mensaheng, “I will give you a new heart and put a new spirit in you.”

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez mas bet nga bang mag-focus si Sarah Lahbati sa kanilang anak kaysa magbalik trabaho, true kaya?

Ipinagpapalagay ng marami na para sa nanay ng kanyang mga anak ang kanyang IG post matapos nga nitong ipagdiinan na single na single siya ngayon kaya walang isyu kung ma-link man siya sa ibang lalaki.

Hanggang ngayon ay hindi pa nagsasalita si Richard Gutierrez tungkol sa paghihiwalay nila ni Sarah pero nauna nang sinabi ng aktres na maayos ang co-parenting agreement nila ng nakahiwalay na asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Richard Gutierrez (@richardgutz)


“It’s not easy on any child, but I’m here for them, and they’re better. Of course, it’s not ideal for the children—let’s go back to the kids. But that’s life. They’ll be fine.

“We’re good at parenting. We are there for the kids. That’s all I’m gonna say,” aniya pa.

Aware naman si Sarah sa viral photo niya kasama ang isang lalaking foreigner na kuha nang magbakasyon siya kamakailan sa Hong Kong.

Baka Bet Mo: Tatay ni Sarah Lahbati tinira ang nagbabayad para magpakalat ng fake news

Marami ang nanghula na ang naturang non-showbiz guy sa litrato ang bago niyang boyfriend at kapalit ni Richard sa kanyang puso.

Nakachikahan namin si Sarah sa naganap advance screening at mediacon ng comeback teleserye niya sa TV5, ang “Lumuhod Ka Sa Lupa” kung saan makakatambal niya sina Sid Lucero at Kiko Estrada.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nilinaw ni Sarah na ang sinasabing viral “mystery guy” daw niya ay friend lang niya at wala silang relasyon.

“I went to Hong Kong to experience the art. It’s always been a dream of mine to travel around and I was happy that I was able to go,” simulang paglilinaw ni Sarah nang makachikahan ng ilang members ng press kasama ang BANDERA.

Dagdag pa niyang paliwanag, “And that photo circulating around is my friend. I visited Hong Kong and met up with different friends.”

Ayon pa sa aktres, wala siyang nakikitang offensive o problema kung ma-link man siya ngayon sa ibang lalaki dahil single naman daw siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tatlong taong nagsama bilang mag-asawa sina Richard at Sarah. Ikinasal sila noong 2020.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending