Sarah, Kyline magkasama matapos mag-unfollowan sa IG

Sarah, Kyline magkasama matapos mag-unfollowan sa IG

Therese Arceo - October 11, 2024 - 08:00 PM

Sarah, Kyline magkasama matapos mag-unfollowan sa IG

NALOKA ang mga netizens matapos makitang magkasama sina Sarah Lahbati at Kyline Alcantara matapos ang isyu ng pag-unfollow sa Instagram.

Isang TikTok video ngayon ang kumakalat kung saan makikitang tila okay naman ang dalawa at magkasama pa sa isang club.

Mapapanood rin sa naturang video na masayang nagdya-jamming ang sina Sarah at Kyline at nagkakantahan.

Baka Bet Mo: Kyline, Sarah naka-unfollow na sa isa’t-isa sa IG, anyare kaya?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Kyline with Sarah Lahbati Last night ganap,” mababasa sa caption ng netizen.

May isang netizen pa na nagtanong kung kailan ito nakunan at sinabing recent lang ang naturang video.

Kaya naman hindi na maintindihan ng mga netizens kung ano nga ba ang ganap sa pagitan nina Sarah at Kyline.

Agad ring umani ng samu’t saring reaksyon mula sa madlang pipol ang naturang video.

“In good terms ba sila?” litong tanong ng netizens.

Comment naman ng isa, ” Ang dami ko nang iniisip dumagdag pa kayo, Kyline at Sarah!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang mga accla for da clout ang mga ganap,” hirit naman ng isa.

Matatandaang matapos ang pag-unfollow nina Sarah at Kyline sa isa’t isa ay inunfollow rin ni Bea Alonzo ang young star.

Sa kabila ng pag-trending ay wala namang inilabas na pahayag o paglilinaw ang dalawa tungkol sa kanilang unfollowan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending