Viral na nagpa-tattoo sa noo totoong ‘scripted’, may-ari ng store nag-sorry
MUKHANG tama ang naging opinyon ng self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza na “scripted” ang nag-viral na lalaki matapos magpa-tattoo sa noo noong April Fool’s Day.
Umamin na kasi ang may-ari ng takoyaki store na si Carl Quion, ang may pakana ng P100,000 challenge noong April 1, na planado ang naging gimik ng kanyang negosyo sa social media.
Sa pamamagitan ng isang video na ibinandera sa Facebook, isa-isang idinetalye ni Carl ang kanyang naging plano upang mag-viral ang Taragis.
Kwento niya, April last year pa niya pinaghandaan ang nasabing challenge at sinimulan daw nila itong ikinasa noong Agosto ng nakaraang taon kung saan nagpahanap na siya sa tattoo artist niyang kaibigan ng willing na magpapa-tattoo sa noo.
Baka Bet Mo: Lalaki nagpa-tattoo sa noo ng logo ng takoyaki store para sa 100k
Sinabi niya rin na totoong bibigyan niya ng P100,000 kung sinuman ang papayag sa hinihiling niya.
Hindi naman daw nagtagal ay may nag-volunteer at dito na niya nakilala ang 47-year-old na si Ramil Albano mula sa Brgy. Bagong Silang sa Caloocan.
“Dating fishball vendor at ngayon ay nag-aalaga nalang ng kanyang anak na may down syndrome,” pagpapakilala pa niya sa post.
Kasabay niyan ay ipinakita na ng Taragis owner ang screenshots ng naging convo nila ni Tatay Ramil na buo ang loob sa pagtanggap ng hamon.
“Ako, willing ako magpa-tattoo…para sa anak kong may down syndrome,” sey ni Tatay Ramil na makikita sa naging convo.
Sinigurado rin muna ni Carl kung hindi ba ito magsisisi sa gagawin sa kanya, pero ang sagot sa kanya ng viral na lalaki: “Ok lang basta para sa anak ko.”
March 28 nang sinimulan na ang pagpapa-tattoo kay Tatay Ramil at mula niyan ay hindi na muna siya lumabas ng bahay upang wala pang makakita sa kanya.
April 1, araw ng kalokohan, inupload na nila ang pasabog na gimik sa social media, ngunit walang pumapansin.
Sinundan nila ito ng isa pang post na ipinapakita ang “official statement” kuno nila tungkol sa pagkasa sa challenge ni Tatay Ramil at doon na nga nag-umpisang kumalat mag-viral ang kanilang pakana.
“Tulad ng inaasahan, kumalat na ang poster sa buong Pilipinas at sobrang dami na ang nag-react at nagalit na malalaking influencers,” wika ni Carl sa FB.
Dagdag niya, “Samu’t-saring emosyon ang naramdaman ng mga tao, may mga naawa, marami rin ang nainis at nagalit. Kaya ‘nung uminit na ang tensyon, kinabukasan, April 2, inilabas na namin ang nakaplanong video…Totoong naibigay na namin kay tatay ‘yung P100,000 na ipinangako ko mula ‘nung umpisa pa lang.”
Inamin ni Carl na nagsinungaling siya at dahil diyan ay humingi siya ng tawad sa madlang pipol.
Nabanggit din niya na marami siyang natutunan sa ginawang marketing stunt.
“Una, nakatulong tayo kay Tatay Ramil. Pangalawa, nakita natin na posible pala na magbayanihan ang mga malalaking brand sa social media para lang sa isang tao. Pangatlo, nakagawa tayo ng isang malaking ingay na magbibigay boses para sa kagaya ni Tatay Ramil na nasa ilalim ng lipunan,” sambit ng Taragis owner.
Pinabulaanan na rin ni Carl ang kumakalat na chika tungkol sa mga natanggap na donasyon ni Tatay Ramil.
May mga balita kasi na umabot na raw sa mahigit P1.3 million ang nakuha, ngunit sa katunayan daw ay nasa mahigit P200,000 bukod pa ‘yan sa naibigay niyang P100,000.
“Nasaktan ako para kay Tatay Ramil. Hindi scammer si Tatay Ramil,” saad ni Carl.
lahad pa niya, “Gusto ko lang linawin na wala akong hati o binawas sa mga donasyon na natanggap ni Tatay Ramil. Ang lahat ng napunta kay tatay ay para sa kanya lang.”
“Ang lahat din na natanggap niya ay puro para sa personal na tulong lamang din para sa kanya at para sa anak niya na may down syndrome,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.