Liz Alindogan hindi bumigay kay FPJ: Mahal ako ni Susan Roces! | Bandera

Liz Alindogan hindi bumigay kay FPJ: Mahal ako ni Susan Roces!

Ervin Santiago |April 02,2024
facebook
share this

Liz Alindogan hindi bumigay kay FPJ: Mahal ako ni Susan Roces!

Ervin Santiago - April 02, 2024 - 06:30 AM

Veteran actress Liz Alindogan hindi bumigay sa 'panliligaw' ni FPJ

Liz Alindogan

HINDI bumigay ang veteran actress na si Liz Alindogan sa “panliligaw” umano sa kanya ng Action King na si Fernando Poe, Jr..

Binalikan ni Liz ang magagandang alaala niya noong nakakasama pa niya si FPJ sa mga pelikula at showbiz gatherings ilang dekada na ngayon ang nakararaan.

Hinding-hindi raw makakalimutan ng aktres ang namayapang movie icon dahil sa kabaitang ipinakita nito sa kanya lalo na noong nagsisimula pa lang siya sa mundo ng showbiz.

Naging leading lady ni Da King si Liz sa tatlong classic movies na pinagbidahan nito – “Ang Panday” (1980), “Ang Agila at ang Falcon” (1980), at “Sierra Madre” (1981).

Baka Bet Mo: Andrea pinayuhan ni Lolit, mag-explore sa mas challenging roles

Sa panayam ng news anchor at broadcast journalist na si Julius Babao kay Liz na napapanood sa YouTube channel nito, diretsahan niyang inamin na niligawan siya noon ni FPJ.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liz Alindogan Kho (@misslizalindogan)


Simulang pagbabahagi ng beteranang aktres at producer, ipinahanap daw talaga siyani FPJ para kuning leading lady sa blockbuster movie niyang “Ang Panday.”

Ito ang ikalawang big break ni Liz sa showbiz matapos kunin bilang isa sa mga bida sa pelikulang “Dolphy’s Angels” na ipinalabas noong 1980.

Sabi raw sa kanya ni FPJ noong puntahan siya sa tinitirhang bahay sa Mandaluyong, “’Ikaw ang napili ko na maging leading lady ko sa Panday,’ tapos dala na yung magsusukat ng damit ko.”

Baka Bet Mo: Lolit iniimbitahan si Kylie sa kanilang programa; Naniniwalang mali si Aljur sa mga salitang binitiwan niya

Sey pa raw ni Da King, “Bagay sa iyo yung role na iyon. Ikaw ang napili ko.”

Si FPJ na rin daw ang naging talent manager niya noon at talagang malaki ang nakukuha niyang talent fee sa mga sumunod na pelikulang ginawa niya.

“Naranasan ko iyon kay FPJ. He really treated me well. I was so, so, so happy. Meron akong FPJ na, kasi tumayo siya na manager ko… na hindi naman talaga official manager. Pero siya yung nakikipag-usap.

“Kaya mataas ang value, which is dati, tumatanggap ako P300,000 to P400,000 per movie because of him,” pagbabahagi pa ni Liz kasabay ng pag-amin na bago maging leading lady ni FPJ ay P50,000 lang ang bayad sa kanya sa pelikula.

Kung hindi siya nagkakamali, ang talent fee niya bilang leading lady ni FPJ sa “Ang Panday” ay P200,000.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liz Alindogan Kho (@misslizalindogan)


“Ito pa, ang kinukuwestiyon ko kay FPJ, kasi si FPJ, that time P2 million (kada pelikula) ba’t ako P200,000 lang? Ni hindi ko alam superstar kasi siya.

“Natutuwa siya sa akin. I was really so naïve, na ‘Bakit ikaw? Pareho tayong napupuyat, nagsu-shooting, kumakain. Bakit ikaw PHP2 M, ba’t ako P200,000?” natatawang chika pa ng aktres.

Sa tanong kung na-fall ba siya noon kay Da King, “Hindi. Hindi ako na-in love. In a different way ang pag-in love ko sa kanya.

“Because ako yung tao na kahit bata yung kilos, alam ko na he’s married. Alam ko na mahal niya si Susan Roces, at niresepeto ko yung aspect na iyon.

“Na kahit bata pa ako, ganoon ang pananaw ko, na hindi ako puwedeng pumunta sa ganoong relationship, kasi mahal ako ni Susan Roces,” aniya pa.

Mismong si FPJ daw ang nagsasabi sa kanya may malasakit sa kanya si Susan,  “Nire-recommend niya ako, e. Kinukuwento sa akin iyon ni FPJ, na, ‘Ano bang nakita sa iyo ni Manang Inday (palayaw ni Susan) mo, bakit ikaw parati ang sinusulat dito pag nag-uusap kami about movies? Isama mo diyan si Liz Alindogan.’”

Dagdag pa ni Liz, “Pumasok na sa puso ko iyon, na kahit na puwede siyang mahalin, kahit na matagal niya akong pinupuntahan sa bahay, nililigawan niya ako, talagang gusto niya ako.

“Pero kaya ko talagang ikontrol ang sarili ko na hindi ako puwedeng makasakit ng tao, na lalo na nagki-care sa akin, si Susan Roces, hindi ko kayang ganunin,” sey ni Liz.

Diniretso rin daw si Liz si FPJ, “Sinabi ko, ‘May asawa ka, si Manang Inday, paano iyon? Ayokong mag-cross doon sa line na iyon. Marami namang artista or magugustahan ako na ano.’

“Tapos niyakap niya ako. Tapos hanggang sa sinabi niya, ‘From now on, you are someone that I used to love,’” pagbabahagi ng aktres.

Bukod kay FPJ, naging leading lady din siya ng ibang action stars kabilang na sina Rudy Fernandez, Lito Lapid, Bong Revilla, Ace Vergel, Bembol Roco, Dante Varona, at Jess Lapid Jr., na naging tatay ng dalawa niyang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matapos ang ilang taong pagsasama, naghiwalay din sila ni Jess hanggang sa mapangasawa ang businessman ni si Benny Kho. Biniyayaan sila ng apat na anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending