Tambalang KimPoy 'DEADLIEST Loveteam of the Year',

Tambalang KimPoy ‘DEADLIEST Loveteam of the Year’, tanggap kaya ni Jerald?

Ervin Santiago |December 27,2023
facebook
share this

Tambalang KimPoy ‘DEADLIEST Loveteam of the Year’, tanggap kaya ni Jerald?

Ervin Santiago - December 27, 2023 - 07:18 AM

Tambalang KimPoy 'DEADLIEST Loveteam of the Year', tanggap kaya ni Jerald?

Kim Molina at Empoy Marquez

“DEADLIEST Loveteam of the Year” ang tawag ngayon sa tambalan nina Kim Molina at Empoy Marquez na may bonggang pasabog agad sa pagpasok ng 2024.

Ang tinutukoy namin ay ang unang pelikulang pagsasamahan nina Kim at Empoy mula sa Viva Films, ang “My Zombabe” na siyang pambungad na sorpresa ng Viva Entertainment sa susunod na taon.

At in fairness, hindi lang si Kim ang super excited sa pelikula nila ni Empoy kundi maging ang partner niyang si Jerald Napoles.

Sa naganap na presscon ng “My Zombabe” kamakailan ay natanong ang actress-singer kung ano ang naging reaksyon ni Jerald sa pagtatambal nila ni Empoy sa Big screen.

Pagbabahagi ni Kim sa mga miyembro ng entertainment media, si Empoy daw ang unang kinukumusta ni Jerald sa tuwing uuwi siya mula sa shooting ng “My Zombabe”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Molina (@kimsmolina)


“Excited lang si Jerald. Tapos kapag umuuwi po ako pagkatapos ng…ang nangyari po kasi, habang sinu-shoot po namin ‘to, nagte-taping din kami ng Team A, ‘yung sitcom namin ni Je (sa TV5).

Baka Bet Mo: Jaclyn Jose nakaranas ng ‘deadly love’: ‘Sobrang nakakatakot na kabanata ng buhay ko pero buti nakatakas ako’

“So, kapag uuwi po ako, imbes na ‘oh, ‘Mmy, kumusta ka? I miss you! Galing akong Batangas’ ganyan, pag-uwi ko, ‘kumusta si Empoy?’ Si Empoy ang tinatanong niya. Kung kumusta ‘yung mga eksena, masaya ba, okay ba?” chika ng aktres.

Anong feeling na hindi na si Jerald ang katrabaho niya ngayon matapos silang magbida nang sunud-sunod sa ilang pelikula ng Viva Films?

“Okay lang naman for both of us. We have to spread our wings. He just did a movie rin naman solo, ‘Instant Daddy’. So now, it’s my turns, ako naman,” sagot ni Kim.

Sey pa ng singer-comedienne, sobrang happy, nakaka-good vibes at napaka-light ng atmosphere sa set ng “My Zombabe”. At dahil sa mga kwento niya, looking forward na rin si Jerald na makatrabaho si Empoy sa isang project.

Last August pa ibinahagi ni Kim sa Instagram ang liitrato kung saan kasama niya si Empoy habang  nagbabasa ng script.

Nilagyan niya ito ng caption na, “Are you reyydi Pilipinz? The serious labtim is coming” with matching hashtag na #KimPoyMovie.

Baka Bet Mo: Sarah Geronimo, John Lloyd Cruz magkakaroon na nga ba ng comeback movie together?

Ang pelikulang “My Zombabe” nga ang tinutukoy ng komedyana at ang tambalan nila ni Empoy na KimPoy na binansagan ngang “Deadliest Loveteam of the Year.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Empoy (@empoy)


Sa mundong pinamumugaran ng mga zombie, gagampanan ni Empoy sa pelikula ang papel ni Pong habang si Kim naman ay si Yasmine.

Isa si Pong sa mangilan-ngilang lalaki na natitira sa mundo, at nangungulila siya kay Yasmine, ang tanging babaeng pinakamamahal niya.

Laking gulat niya nang makitang buhay pa si Yasmine. Kahit mukha na itong zombie, may pag-asa pa itong hindi matuloy sa pagiging zombie kaya naman gagawin niya ang lahat para maligtas si Yasmine.

Para manatiling normal na tao ang dalaga, kailangan niya munang maalala ang nakaraan at ang kanyang buong katauhan. Tutulungan siya ni Pong na makaalala.

Oras na magbalik si Yasmine sa pagiging normal na tao, magawa kaya niyang buksan ang puso para kay Pong?

Mula sa direksyon ni Bobby Bonifacio Jr., kasama rin sa “My Zombabe” sina Yanyan de Jesus, Billy Villeta, Liz Alindogan, Andrea del Rosario, Andrew Muhlach, Garry Lim, Marnie Lapus, Isadora, Nico Locco, Jao Mapa at Suzette Ranillo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ito sa mga sinehan nationwide simula sa January 8, 2024.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending