Lovi imposibleng mabuntis habang ginagawa ang 'Batang Quiapo'

Lovi Poe imposibleng mabuntis habang ginagawa ang ‘Batang Quiapo’

Ervin Santiago |January 09,2024
facebook
share this

Lovi Poe imposibleng mabuntis habang ginagawa ang ‘Batang Quiapo’

Ervin Santiago - January 09, 2024 - 12:10 AM

Lovi Poe imposibleng mabuntis habang ginagawa ang 'Batang Quiapo'

Monty Blencowe at Lovi Poe

GULAT na gulat ang Kapamilya actress na si Lovi Poe sa chikang buntis na siya sa panganay nila ng asawang si Monty Blencowe.

Ito kasi ang kumalat na dahilan kung bakit pinatay na ang karakter niya sa hit Kapamilya series na “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

In fairness, ikina-shock ng mga manonood ang pagkamatay ng karakter ni Lovi sa “Batang Quiapo” bilang si Mokang.

Pero may magandang paliwanag ang actress-singer kung bakit kinailangan nang magpaalam si Mokang sa kuwento ng serye ng ABS-CBN.

Baka Bet Mo: Lovi Poe hindi lalayasan ang showbiz career sa Pinas kahit magkaroon na ng asawa’t anak

Ayon kay Lovi, napakalapit sa puso niya ng “Batang Quiapo” dahil isa ito sa mga naiwang legacy ng kanyang amang Action King na si Fernando Poe, Jr..

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“It’s my first time to be part of the show that represents my father’s name. So I’m really grateful to have been part of it.

Baka Bet Mo: Lyca sa viral vlog ni Karen: Sobrang totoo po ang gulat ko, ang pangit po ng gulat ko walang maganda!

“Sobrang nagpapasalamat ako sa friendships at mga relationships na nabuo dito,” ang pahayag ng aktres sa panayam ng ABS-CBN.

Naging mainit din ang pagtanggap mga manonood sa unang pagkakataon ng pagtatambal nila ni Coco Martin na gumaganap naman bilang si Tanggol.

“I have nothing but beautiful memories but I think after a year, I think it’s time for me to open myself up again with sa mga bagong opportunities,” aniya.

At dahil nga sa pamamaalam niya sa serye, ang unang naisip ng viewers ay baka pregnant na ang aktres sa panganay nila ni Monty Blencowe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“No. First, I need to do it and have my husband around to do it to be able to be pregnant,” ang natatawang chika pa ni Lovi Poe.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending