Mensahe ni PBBM para sa Easter Sunday: ‘Live a Christ-like life’

Mensahe ni PBBM para sa Easter Sunday: ‘Live a Christ-like life’

Pauline del Rosario - March 31, 2024 - 03:11 PM

Mensahe ni PBBM para sa Easter Sunday: ‘Live a Christ-like life’

PHOTO: Facebook/Bongbong Marcos

MAMUHAY ng tulad ni Hesus Kristo.

Ito ang mensahe ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong ipinagdiriwang sa bansa ang Easter Sunday o Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, lalo na ng mga Katoliko.

Pinaalala ng presidente ang araw na ito bilang kasukdulan ng misyon ni Hesus na iligtas ang mundo.

Kaya naman, hinihimok niya ang publiko na mag-share ng blessings sa mga nangangailangan, may sakit at naaapi.

“Today, we remember the fulfillment of the promise of Jesus Christ to humanity – that he will rise again and deliver eternal salvation for all,” saad ni Pangulong Bongbong.

Dagdag pa niya sa Easter message, “Let us draw inspiration from this important narrative as we overcome our personal and spiritual challenges.”

Baka Bet Mo: Easter Sunday mainit, 8 lugar papalo sa 42 hanggang 44°C –PAGASA

“May this day also excite our hearts to live a Christ-like life, especially in sharing our blessings in whatever form to the poor, the sick, and the downtrodden,” giit niya.

Sinabi rin ni Marcos na ang pananampalataya, debosyon at sakripisyo ay may kaabkibat na malaking biyaya para sa mga taong masigasig sa mga nabanggit na birtud.

Kasabay niyan, nanawagan siya sa mga kababayan na manalangin para sa isang mas mabuting lipunan.

“This auspicious occasion reminds us that, while faith, devotion, and sacrifice are, by themselves, worthy ideals to aspire for, they also yield great rewards both here on earth and the hereafter,” sambit niya sa pahayag.

Ani pa niya, “Finally, let us unite in praying for the continued guidance of God Almighty in our collective pursuit to build the Bagong Pilipinas that we are destined to achieve.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang Easter Sunday ay ang huling araw ng Semana Santa kung saan ipinagdiriwang ng mga Katoliko ang muling pagkabuhay ni Hesukristo pagkatapos ng kanyang pagdurusa at kamatayan sa krus.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending