Hirit ni Kim pag nag-guest si Xian sa ‘It’s Showtime’: OK lang!

Hirit ni Kim pag nag-guest si Xian sa ‘It’s Showtime’: OK lang naman!

Pauline del Rosario |March 25,2024
facebook
share this

Hirit ni Kim pag nag-guest si Xian sa ‘It’s Showtime’: OK lang naman!

Pauline del Rosario - March 25, 2024 - 10:33 AM

Hirit ni Kim pag nag-guest si Xian sa ‘It’s Showtime’: OK lang naman!

Kim Chiu, Xian Lim

ILANG buwan matapos kumpirmahin ang breakup, nilinaw ng TV host-actress na si Kim Chiu na hindi niya itinuturing na kaaway ang ex-boyfriend na si Xian Lim.

Sa interview ng evening newscast na “24 Oras,” sinabi ni Kim na keri lang naman sakaling magkaroon ng guest appearance si Xian sa noontime show na “It’s Showtime.”

Magugunita na nagkaroon ng makasaysayang kolaborasyon ang Kapamilya at Kapuso Networks para sa pagpapalabas ng nasabing programa.

Simula April 6, mapapanood na rin ang variety show sa GMA-7 mula Lunes hanggang Sabado ng tanghali.

“Okay lang naman mag-guest siya sa ‘It’s Showtime.’ Or mag-prod siya,” sagot ni Kim sa panayam.

Baka Bet Mo: Paulo Avelino dumalaw sa It’s Showtime, Kim Chiu tinukso-tukso

Paliwanag niya, “Hindi naman kami magkaaway or something.”

At dahil may bago nang chapter sa buhay ang aktres mula nang maghiwalay sila ng aktor, proud na ipinaliwanag ni Kim ang pagiging “version 3.0.”

“Hindi siya takot to try new things kasi maraming mga bagay na nagho-hold back sa atin,” sey ng “It’s Showtime” host.

Dagdag pa niya, “Now it’s time to try new things, do different things, and experience something new. Open ‘yung heart ko but I’m enjoying my time being myself.”

Kung maaalala, nagkaroon ng panayam si Kim kasama ang celebrity doctor na si Vicki Belo at doon niya inamin na wala siyang kaalam-alam tungkol sa bagong pag-ibig ni Xian.

“Naririnig ko na meron na raw iba ‘yung isa. Actually ang chismax is medyo matagal na siyang merong ganun [ibang dyowa]…so ang question, is it true?” tanong sa kanya ni Dra. Vicki.

Tugon naman ng aktres, “Hala, hindi ko alam, dok. Wala akong idea.”

Magugunita na noong nakaraang taon nang umugong ang mga chikang hiwalay na sina Kim at Xian.

May ilang netizens pa nga ang nagsasabing may third party umano, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito sinasagot ng dating couple.

December last year nang naglabas ng official statement si Kim upang kumpirmahin na nag-break na sila ni Xian.

Recently lamang ay naging usap-usapan ulit si Xian matapos mag-viral ang larawan niya kasama ang film producer ng Viva Max na si Iris Lee.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naging hot topic rin ito ng showbiz insider na si Ogie Diaz kamakailan lang na base raw sa source niya sa Bangkok, Thailand ay namataan si Xian kasama ang producer na magka-holding hands habang naglalakad at sweet din daw kapag nasa hotel na at nasa isang kwarto lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending