Hugot ni Regine: Mahirap kapag tumatanda ka na sa industriya!

Regine hugot na hugot: Mahirap kapag tumatanda ka na sa industriya!

Ervin Santiago - March 25, 2024 - 08:22 AM

Hugot ni Regine: Mahirap kapag tumatanda ka na sa industriya!

Regine Velasquez at Nate Alcasid

INISA-ISA ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid ang ilang mga pagbabago na nararanasan ng isang babae habang nagkakaedad.

Diretsahang inamin ng singer-actress at TV host na napakaraming challenges ang kailangang harapin ng mga kababaihan, kabilang na silang mga nasa entertainment industry.

Sa naging speech ni Regine sa naganap na kauna-unahang Billboard Philippines’  Women in Music Awards last Friday ay naging emosyonal nga ang OPM icon matapos tanggapin ang kanyang “Powerhouse Award”.

Baka Bet Mo: Bwelta ni Paolo Contis sa bashers: ‘Masakit po sa amin kapag tinatawag kaming Fake Bulaga, dahil wala pong peke sa ginagawa namin’

Ito’y dahil na rin sa kanyang “exceptional legacy in the industry” at sa naging impact ng kanyang pagiging singer sa sambayanang Filipino.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid)


Bukod kay Regine, pinarangalan din ng Billboard Philippines ang BINI (Rising Star); sina Sarah Geronimo (Woman of the Year); Belle Mariano (Listener’s Choice); Morissette (People’s Choice); Ena Mori (Rule Breaker Award); Moira (Hitmaker Award); at Pilita Corrales (Icon Award).

“I have to say na being in this industry, getting older is a challenge especially for women.

“First of all, mahirap sa aming mga kababaihan kasi mayroon kaming mga hormones. We have to deal with those things and it changes our voices, it changes our appearance. You know, ang dami-dami namin kailangan harapin,” ang simulang pagbabahagi ni Regine.

Baka Bet Mo: Brenda Mage sa pagbabalik-PBB: Gusto kong ipakita na hindi ko lang kayang magpakatotoo kundi kaya ko ring magpakatao

Pagpapatuloy niya, “Pero sa industriyang ito, mahirap kapag tumatanda ka na sa industry. Nakikita mo na nagbabago na ang lahat, ‘yung dating ikaw ‘yung sinisigawan, ikaw ‘yung nagkakaroon ng hits, nararamdaman mo ‘yun unti-unti na hindi na ikaw, but for me, it’s fine.”

Tungkol naman sa legacy na iiwan niya sa industriya, “Parati kapag may nagtatanong sa akin kung ano ‘yung iiwan kong legacy sa industriyang ito, parang feeling ko wala.

“Sa akin po kasi, hindi masyadong importante kung mayroon man akong maiwan o wala. I know na makakalimutan ako and ganun ‘yun.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid)


“And its fine and its fine with me because ganu’n po talaga ang panahon, ganun po talaga ang indusrtriya and its not your fault, its just what it is. Siyempre, binibigay natin ang entablado sa mga sumusunod na henerasyon ng mga singers at songwriters,” lahad ni Ate Regs.

“Pero para po sa akin, ang akin pong legacy ay ang aking anak. Because people will forget about me, will forget about my voice and what I’ve done in the industry, but my son will always remember me. So my son is my legacy,” ang naluluha pang mensahe ni Regine.

Pagbabahagi pa ng Songbird sa mga nakamit na tagumpay, “Yun pong natatamasa kong pagkilala, ito po ay parang team effort.

“Hindi lang po ako mag-isa na gumawa ng karera ko, kasama po doon ang Tatay ko, ang Nanay ko at mga kapatid ko na patuloy pong sumusuporta sa akin.

“Iyong mga banda na nakatrabaho ko, ‘yung mga songwriters, mga arrangers na patuloy na nakikipagtrabaho sa akin, kasama po sila, ‘yung mga naging managers ko at ‘yung mga taong nakahalubilo ko sa buong industriya, sila po ang tumulong para mabuo ko ang aking career for 37 years,” pahayag pa ni Regine.

Hindi rin nakalimutan ni Regine na pasalamatan ang asawang si Ogie Alcasid, “At siyempre sa aking asawa na parati pong nag-e-inspire sa akin at laging sinasabi sa akin na ikaw pa rin ang pinaka-magaling kahit na alam kong hindi na, pero malaking bagay ‘yun para sa akin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Thank you, thank you for your support and for your inspiration, thank you very much. At siyempre, ang lahat po ng ito ay hindi po mangyayari kung hindi po ako binigyan at pinahiram ng napaka-ganda pong talentong ito, sa atin pong Panginoon, maraming salamat!” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending