Piolo habang nagkakaedad lalong tumitindi ang sex appeal; tinupad ang wish ni Rhea Tan | Bandera

Piolo habang nagkakaedad lalong tumitindi ang sex appeal; tinupad ang wish ni Rhea Tan

Ervin Santiago |September 11,2020
facebook
share this

Piolo habang nagkakaedad lalong tumitindi ang sex appeal; tinupad ang wish ni Rhea Tan

Ervin Santiago - September 11, 2020 - 01:17 PM

HABANG nadadagdagan ang kanyang edad, mas tumitindi pa ang sex appeal ng Kapamilya ultimate heartthrob na si Piolo Pascual.

Nasa early 40s na ngayon si Piolo pero napapanatili pa rin niya ang kanyang youthful looks. Kaya naman kahit napakarami nang bagong young celebrities ngayon, si Papa P pa rin ang itinuturing na ultimate crush ng bayan.

Sa katunayan, hindi nawawala ang name ni Piolo sa listahan ng mga top leading man na gustong makatrabaho ng mga kilalang aktres sa bansa.

Ano nga ba ang sikreto ni Papa P sa kanyang fresh younger looking aura? “I’ve always believed na if you have positive outlook in life, mag-mamanifest siya physically.”

“But the real secret siguro is that I have a lot of things to be grateful for. If you are thankful for what you have, that alone is enough to keep you alive and happy,” aniya pa.

At dahil dito kaya siya pa rin ang isa sa mga favorite endorser sa Pilipinas ng mga kilalang produkto. Sa katunayan, ipinakilala na siya ngayon bilang pinakabagong brand ambassador ng Beautéderm Corporation.
Minamarkahan ng taong 2020 ang ika-11 anibersaryo ng Beautéderm bilang isa sa mga major key players ng beauty and wellness industry dito sa bansa at ang pagsali ni Piolo bilang ambassador ng brand ay isa sa mga bigating sorpresa na inihanda ng kumpanya para sa mga loyal customers, resellers, at distributors nito ngayong taon.

Ang Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan, na pinangaralan ng People Asia magazine sa prestigiyosong roster ng taunang “Women of Style and Substance” issue nito ngayong Setyembre, ay super happy na bahagi na ang award-winning actor sa kumpanyang kanyang itinatag 11 years ago.

“Nasa bucketlist ko na si Piolo mula noong sinimulan ko ang kumpanya noong 2009,” sabi ni Rhea. “With hard work, careful planning, and prayers nagkatotoo na ang aking pangarap to have him as one of my ambassadors. I have always admired his body of work as one of the most accomplished and respected artists in the industry.”

Si Piolo, na very active at healthy ang lifestyle, ang mukha ng Beau Charcoal Soap mula sa Spruce & Dash men’s line ng brand na nagde-detoxify at nag-exfoliate habang nagbibigay ng clean, fresh, at delicious scent lalo na para sa mga busy na kalalakihan na laging on the go tulad ni Piolo.

“Longtime user ang kapatid kong babae ng Beautéderm products, madami na akong nabasa tungkol sa brand, at nakakarinig ako ng positive feedback tungkol sa brand mula sa aking mga kasamahan sa trabaho,” sabi ni PJ.

“Patuloy kaming magiging faithful sa aming commitment na pagsilbihan di lamang ang aming users kung di pati na rin ang aming resellers at distributors sa pagdedevelop ng mga produkto na mataas ang kalidad.
“We have partnered with Piolo dahil madami kaming similarities and chief among them is our unrelenting passion for excellence. Humbled kami na bahagi na siya ng maing pamilya,” lahad ni Rhea Tan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey naman ni Piolo, “Nakakatuwang malaman na madaming tao kasama na ang kanilang mga pamilya ang natutulungan ng brand dahil sa business opportunities na naibibigay nito sa mga resellers at distributors sa buong bansa. Their sales force is one of the most hard-working teams I’ve ever seen and I am honored to be part of their family.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending