Brenda Mage sa pagbabalik-PBB: Gusto kong ipakita na hindi ko lang kayang magpakatotoo kundi kaya ko ring magpakatao | Bandera

Brenda Mage sa pagbabalik-PBB: Gusto kong ipakita na hindi ko lang kayang magpakatotoo kundi kaya ko ring magpakatao

Ervin Santiago |May 19,2022
facebook
share this

Brenda Mage sa pagbabalik-PBB: Gusto kong ipakita na hindi ko lang kayang magpakatotoo kundi kaya ko ring magpakatao

Ervin Santiago - May 19, 2022 - 08:31 AM

Brenda Mage

“TALAGANG nasaktan ako, parang na-trauma ako sa mga pangyayari,” ang pag-amin ng Kapamilya comedian na si Brenda Mage sa pangmalakasang pamba-bash sa kanya ng madlang pipol.

Nasabi ito ng komedyante sa pagbabalik niya sa loob ng Bahay Ni Kuya bilang celebrity housemate kasama si Madam Inutz para sa second chance na ibinigay sa kanila ni Big Brother.

Aniya, inaasahan na niya ang mga negatibo at masasakit na salita mula sa mga manonood at netizens sa pagbabalik niya sa “Pinoy Big Brother Kumunity” season 10.

Kuwento ni Brenda sa episode ng nasabing reality show, talagang hindi niya nakayanan ang pang-ookray at panlalait ng netizens sa kanya lalo na noong bumalik na siya sa outside world.

Ito raw ang dahilan kung bakit umuwi muna siya sa kanilang probinsya, “Dahil sa kagagawan ko, nagkaroon ako talaga ng mga basher.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Brenda Mage (@iambrendamage)


“Kaya mas pinili ko pong manahimik sa showbiz at magmuni-muni muna sa probinsya. Talagang nasaktan ako, parang na-trauma ako sa mga pangyayari,” sey ng komedyante.

Pagpapatuloy niya, “Nu’ng una, hindi ko po talaga gustong bumalik pero nu’ng na-accept ko na sa sarili ko ‘yung sitwasyon, nag-sink in na po sa akin lahat at natanggap ko ‘yung pamba-bash.”

Pag-amin pa niya, “Lahat ng negative na bagay na binato sa akin, in-asssess ko po ‘yung sarili ko kung saan ako nagkamali at mas pinili ko pong tingnan ‘yung positibong bagay at mga magagandang bagay na narating ko rin sa pagpasok sa PBB.”

Sabi ni Brenda, okay lang kung hindi siya makapasok tatanghaling BigaTen ng “PBB” basta ang mahalaga ay maipakita niya sa publiko na mabuti rin siyang tao.

“Natatakot pa rin po ako na baka pagbalik dito na i-bash na naman ako o pagsabihan ako ng hindi maganda pero kaakibat nu’n is nandu’n din ‘yung iniisip ko na baka kahit paano maipakita ko sa kanila na hindi ko lang kayang magpakatotoo kundi kaya ko ring magpakatao.

“Kahit anupaman aabutin namin, pumasok man kami sa BigaTen, kahit hindi kami maging big winner, ipakita ko lang sa kanila na kaya ko pong magpakatao, kaya ko rin pong tumayo sa pagkadapa ko po,” sabi pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakalaban ni Brenda para sa tatanghaling BigaTen ang mga nagababalik-PBB 10 na sina Madam Inutz, Zach Guerrero at Michael Ver Comaling para sa adult edition, at Stephanie Jordan at Maxine Trinidad para sa teen edition.

Pagkatalo ni Brenda Mage sa ‘PBB 10’ ikinatuwa ng netizens: Yan ang tinatawag na karma!

Ano ang pinakamahal na regalo na ibinigay ni Brenda sa kanyang dyowa?

Baron humingi ng tawad sa mga beking pisikal niyang nasaktan: Sana po mapatawad n’yo na ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending