Global box-office hit na ‘YOLO’, masisilayan na rin sa Pilipinas sa Abril
BREAKING the limits. Rising from the ashes. A fiery soul.
Ganyan mailalarawan ang bagong pelikula na malapit nang dumating dito sa ating bansa.
Ito ang “YOLO,” isang inspirational comedy drama film ng bansang China na nakatakdang ipalabas sa mga lokal na sinehan sa darating na April 17.
Ang Chinese comedienne na si Jia Ling ang bibida sa pelikula.
Bukod diyan, siya rin ang sumulat at nagsilbing direktor nito.
Baka Bet Mo: Enchong sa pagganap bilang pari: Isa ito sa mga blessing na natanggap ko…
“YOLO tells the story of Le Ying (played by Jia Ling), who has been staying at home for many years, doing nothing in particular. After graduating from college and working for a while, Le Ying chooses to withdraw from society, closing herself off from social circles, which she believes is the best way to ‘reconcile’ with herself,” kwento sa synopsis ng pelikula sa inilabas na pahayag ng Columbia Pictures.
Patuloy pa, “Then one day, after several twists of fate, she decides to live life in a different way. In cautiously venturing into the outside world, Le Ying meets boxing coach Hao Kun (played by Lei Jia Yin), who just may change her life.”
Ang “YOLO” ay unang ipinalabas sa China noong February 10 at ito ay naging highest-grossing film na kumita ng $484 million o mahigit P27 billion.
Noong March 8 ay ini-release din ang comedy film sa United States at Canada na nakapasok pa sa Top 10 ng weekend box office ng nasabing bansa.
Showing na rin ito sa Australia, New Zealand, Hong Kong, Malaysia at Singapore.
Susunod ang Pilipinas sa April 17, at sa April 18 ay mapapanood na rin ‘yan sa Thailand.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.