Tyla naglabas ng debut album matapos mag-viral ang kantang ‘Water’
FINALLY! Nagkaroon na ng bonggang album ang award-winning pop-R&B superstar na si Tyla!
Magugunita na unang sumikat ang South African singer dahil sa hit song niyang “Water.”
Ang debut album ng superstar ay hango mismo sa kanyang pangalan –”TYLA.”
May laman itong 15 tracks at kabilang riyan ang ilang collaboration song kasama ang ilang sikat na international music artist, katulad nina Travis Scott, Tems, Gunna, Becky G, Skillibeng, at Kelvin Momo.
“When I listen to the album, I’m so proud of it,” paglalarawan ni Tyla sa American magazine na Rolling Stone.
Baka Bet Mo: Sexy photos ni Kathryn Bernardo sa waterfalls agaw-eksena, Julia Montes nataranta: ‘Ayyyyyy! Teka po!’
Ani pa niya, “I just see our sound going so far: the culture, the words, the slang. Even just Joburg — the thought of people now singing about Joburg.”
Kasabay ng album, inilabas na rin ng sikat na singer ang bagong music video para sa remix ng kanyang chart-topping single na “Water” featuring Travis Scott.
Kung matatandaan, ang orihinal na music video nito ay nag-viral dahil sa agaw-pansin na dance choreography.
Umani ito ng mahigit 5.6 billion views at may maitala pang 4 million dance covers sa TikTok sa Southeast Asian region.
Sa Pilipinas, ang “Water” ang naging top contributor sa TikTok na may 3.3 billion views at 3.1 million creations ng dance challenges.
Ilan lamang sa mga kumasa diyan ay ang Pinay superstars na sina Sarah Geronimo at Kathryn Bernardo na nag-trending din sa social media.
Dahil sa viral hit, si Tyla ay gumawa ng kasaysayan sa Africa bilang highest-charting female soloist sa Billboard Hot 100 ng United States.
Ang self-titled album na “TYLA” ay mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms worldwide via Sony Music Entertainment/Epic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.