Jodi binawi ang imbitasyon sa party ni Mr. M, pinaboran si Claudine

Jodi binawi ang imbitasyon sa party ni Mr. M, mas pinaboran si Claudine

Reggee Bonoan |March 20,2024
facebook
share this

Jodi binawi ang imbitasyon sa party ni Mr. M, mas pinaboran si Claudine

Reggee Bonoan - March 20, 2024 - 10:04 AM

Jodi binawi ang imbitasyon sa party ni Mr. M, mas pinaboran si Claudine

Jodi Sta. Maria, Claudine Barretto at Johnn Manahan

BINAWI pala ang imbitasyon ni Jodi Sta. Maria para sa tribute party na ibinigay sa dating Star Magic honcho na si Johnny Manahan o mas kilala bilang Mr. M.

Ito’y dinaluhan ng mga naging anak-anakan ni Mr. M sa naturang talent management arm ng ABS-CBN.

Inorganisa ng talent manager na si Keren Pascual at ilang malalapit na kaibigan ni Mr. M ang “Night of 100 Stars” na ginanap sa Marriott Hotel kung saan dumalo ang original talents ng Star Magic.

Naroon sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Kaye Abad, Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Erik Santos, Kathryn Bernardo, Joshua Garcia, Julia Barretto, Claudine Barretto, Charo Santos-Concio, Heart Evangelista at marami pang iba.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Margaret Barretto (@claubarretto)


Base sa report ni Ogie Diaz sa vlog nilang “Showbiz Update” kasama si Mama Loi at Tita Jegs na in-upload sa YouTube channel kahapon, invited daw talaga si Jodi sa party.

“Heto may nakarating na balita sa akin, narinig ko lang naman ‘to,” pabiting sabi ni Ogie.

Hirit ni Tita Jegs, “Hindi mo napanaginipan, ‘Te?”

Kapag sinabing napanaginipan ay nangangahulugang “totoo” ang balita base na rin sa mga naunang ibinandera ni Ogie sa kanilang vlog.

“Ang daming nakaka-miss niyan, ‘yang panaginip ni Nanay (Ogie),” sambit naman ni Mama Loi.

“Nabalitaan ko lang naman na invited pala itong si Jodi Sta. Maria,” saad ni Ogie.

“Oo, e, alaga rin siya ni Mr. M, di ba?” balik-tanong ni Mama Loi.

Sagot ni Ogie, “Oo, pero ang nakarating sa akin kinansel, dinis-invite. Inimbita pero kinansel kasi raw mas pinaboran ‘yung presensya ni Claudine Barretto who happens to be one of the pioneer at anak-anakan ni Mr. M para raw hindi na mag-clash doon sa loob (venue) kasi nga may issue sila, di ba?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jodi Sta.Maria (@jodistamaria)


Si Jodi ay nali-link kay Raymart Santiago na technically asawa pa rin ni Claudine dahil hindi pa naman annulled ang kanilang kasal kahit matagal nang hiwalay.

Dagdag ni Ogie, “Kasi baka raw awkward ‘yung moment (pag nagkita) na ‘yun baka raw magkatinginan pa ‘yung ibang artistang naroroon. Hindi katulad ng Bea (at) Julia na nag-usap, e, kasi okay na sila.”

Anyway, isa si Jodi sa maituturing na pioneer ng Star Magic na itinatag noong 1992 na dating ABS-CBN Talent Center at kasama ang aktres sa teen drama series na “Tabing Ilog” na nagsimula noong 1999 at nagtapos ng 2003.

Pero siyempre si Claudine ang kauna-unahang talent ng Star Magic kaya maituturing na mas senior ang aktres sa lahat kasama na si Jodi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging reaksyon ni Jodi sa umano’y pagbawi ng imbitasyon sa kanya para makasama ang kanyang tatay-tatayan sa showbiz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending