Kim nang ma-comatose si Ate Lakam: Anytime raw puwede nang mamatay
NAKAKALOKA! Pinapipirma na pala ng ospital si Kim Chiu DNR o “do-not-resuscitate” noong ma-comatose ang kapatid niyang si Lakam Chiu.
Nangyari ito nitong nagdaang 2023 nang tamaan ng matinding karamdaman ang nakatatandang kapatid ng TV host-actress.
Itinuturing nilang “himala” ang nangyari kay Ate Lakam dahil nga sinabihan na raw sila ng doktor na baka hindi na tumagal ang kanyang buhay. “Walking miracle” nga ang tawag ngayon kay Lakam.
Baka Bet Mo: Ate Lakam sa kanyang kapatid na si Kim Chiu: ‘I’m able to open my eyes because of you…You never left my side’
Sa unang pagkakataon, nagkuwento ang mag-sister tungkol sa hinarap nilang pagsubok last year sa latest YouTube vlog ni Dra. Vicki Belo.
Pitong araw ding na-coma ang kapatid ni Kim matapos ma-diagnose ng bacterial meningitis.
View this post on Instagram
“Sabi ng doctor, hopeless na, tapos i-ready na raw yung self namin,” ani Kim.
Sabi ni Lakam, pinapa-sign na raw si Kim that time ng “DNR order” sa ospital o ang tinatawag ngang “do-not-resuscitate.”
Ayon sa isang health website, ang DNR ay “medical order ng doktor na sakaling tumigil sa paghinga ang pasyente ay hindi na magpe-perform ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) dito.”
Sabi naman ni Kim, “Pinapipirma na ako na, anytime, puwede na itong mamatay, “Gumuho yung mundo ko. Hindi ako nakapasok talaga sa work. Nahirapan ako.
Baka Bet Mo: Kim Chiu humiling ng dasal para sa kanyang Ate Lakam: She is my strength, and now…
“Lahat kasi siya (Lakam) ang may alam, e. Naiwan niya ako nang hanging. ‘Anong gagawin ko?’ So, pray talaga,” pahayag pa ng dalaga.
Kasunod nito, talagang araw-araw siyang nagdasal kay Padre Pio para sa paggaling ng kanyang ate. Tila dininig naman ng Diyos ang panalangin ni Kim dahil isang araw ay biglang nagising si Lakam.
Shocked din daw ang mga doktor sa nangyari. Sey ni Kim, “And then, nagkaroon na lang ng miracle one day. Sinabi ng doktor, ‘Ha? Okay na siya? Paano nangyari yon?’ Gumanu’n na lang talaga.”
Ngunit ayon sa Kapamilya star, pagkatapos ng nangyari ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magkapatid dahil sa ilang naging problema sa pagpapagaling ni Lakam.
View this post on Instagram
Ang siste, hindi raw nakikinig ang ate ni Kim sa ilang bilin ng doktor, “Ako ang nagagalit sa kanya. Minsan umiiyak na ako sa sobrang galit ko sa kanya. Pinapangaralan ko siya. Matigas ang ulo niya.”
Ayaw daw kasin ni Lakam na nakakulong lang sa kanilang bahay sa loob ng isang buwan, “I feel yung depression mo, you were sick and you were about to die, parang hindi pa ako naka-get over.
“But now I’m super grateful because I was able to gain back everything, especially my strength,” ani Ate Lakam.
Isa raw sa mga realization ni Lakam sa nangyari sa kanya, “Life is really short kasi we never know what’s gonna happen tomorrow.
Baka Bet Mo: Mabilis na paggaling ng kapatid ni Kim Chiu isang milagro: ‘Best gift ever is an answered prayer!’
“So, sinasabi ko lang always na parang let’s value each other na parang to make most out of it every day,” sabi pa ng kapatid ni Kim.
Sa isang panayam kay Kim nasabi rin niya na napakaikli ng buhay kaya dapat ay mag-enjoy lang at iwas na sa kanegahan.
“Sobrang okay na siya. God is good, indeed. My sister and I have been through a lot while growing up. She sacrificed so much for me. She’s my right hand, and also my left hand.
“That’s why when that happened to her, I felt lost. I will always be here for her. I promised her that we will grow old together.
“It happened in a snap of a finger. That’s why you should all take care of your health. If your body is telling you that it’s already tired, then get some rest. Matindi ang inabot ni Ate. I’m very thankful that she survived it,” sabi ni Kim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.