Veteran actor todo-kayod pa rin, hirap nang magmemorya

Veteran actor todo-kayod pa rin, hirap nang lumakad at magmemorya

Reggee Bonoan |March 18,2024
facebook
share this

Veteran actor todo-kayod pa rin, hirap nang lumakad at magmemorya

Reggee Bonoan - March 18, 2024 - 07:05 PM

Veteran actor todo-kayod pa rin, hirap nang lumakad at magmemorya

Guess, guess who!?

HINDI pa rin tumitigil sa pagtatrabaho ang aktor na may edad na dahil siya ang breadwinner ng pamilya.

Naturingang tapos lahat sa pag-aaral ang mga anak pero nakaasa pa rin sa kanilang ama dahil malaki ang kinikita nito kumpara sa kinikita nila sa kanilang trabaho.

“May mga trabaho naman ang mga anak kaso hindi naman kalakihan ang kita kasi nga empleyado, e, minsan hindi pa pumapasok,” tsika ng aming source.

Baka Bet Mo: Pia umaming naging robot sa pagtatrabaho: Natutunan ko na hindi dapat laban nang laban

Ang asawa ng aktor na may edad na ay walang trabaho at sinasamahan lang siya kapag may events pero kapag shooting at taping ay ang personal assistant ang kasama nito.

Awang-awa ang co-actors at production staff sa aktor na may edad na dahil minsan ay hindi na ito makasaulo ng linya pero pinagbibigyan na lang ng direktor.

At minsan ay hirap din itong maglakad dahil nagkaproblema na ito noon sa health niya pero mabuti’t naagapan naman.

Baka Bet Mo: Andrea mas gustong mapagod kesa magpahinga: Bilang breadwinner po, maraming umaasa sa akin

Naloloka ang ilang producers sa aktor na may edad na dahil laging kumakatok sa kanila na isama siya sa projects kahit tatlo o apat na araw para pangtawid gastos din sa kanilang pamilya.

Sa kasalukuyan ay binigyan ng regular show ang aktor na may edad na at sana’y maging okay siya dahil medyo mahirap ang linyahan ng karakter niya at huwag rin sana siyang madala sa emosyon niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pag out of town shoot may kasamang miyembro ng pamilya niya at dagdag costing ‘yun sa part ng production,” tsika pa ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending