Andrea mas gustong mapagod kesa magpahinga: Bilang breadwinner po, maraming umaasa sa akin | Bandera

Andrea mas gustong mapagod kesa magpahinga: Bilang breadwinner po, maraming umaasa sa akin

Reggee Bonoan |November 26,2021
facebook
share this

Andrea mas gustong mapagod kesa magpahinga: Bilang breadwinner po, maraming umaasa sa akin

Reggee Bonoan - November 26, 2021 - 06:12 PM

Andrea mas gustong mapagod kesa magpahinga: Bilang breadwinner po, maraming umaasa sa akin

AMINADO ang youngstar na si Andrea Brillantes na mas gusto niyang napapagod kaysa nagpapahinga kaya naman sobrang saya niya dahil kaliwa’t kanan ang trabaho niya.

Kuwento ng dalaga, mismong ang Chief Operating Officer ng ABS-CBN na si Cory Vidanes pa raw ang nakapansin na nito.

Kuwento ni Blythe (palayaw ng aktres) sa event ng Beautederm kahapon kung saan pormal na siyang ipinakilala bilang bago nilang ambassador, “Actually kasama ko lang po si Tita Cory the other day tapos sabi niya, ‘grabe pagod na pagod ka na.’ Sabi ko, ‘opo mas gusto ko ang napapagod kaysa nagpapahinga.’

“Kasi po as a breadwinner maraming umaasa sa akin at ang dami kong pangarap at gusto kong maabot po ‘yun at hindi talaga ako marunong mag-give-up kahit sobrang bigat na at grabe na ang napagdadaanan ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

“Kahit gaano na kabigat ang ibinabato ng mundo hangga’t hindi ko nakukuha ang goal ko at hindi ako nakukuntento ay hindi po talaga ako titigil.

“Mag-stop lang ako pag nakuha ko na po ang goal ko, mga 10 years pa at may two pages pa sa listahan ko ang hindi ko pa natsitsek,” paliwanag ni Blythe.

Paano naman ang mga nagpaparamdam (na manligaw) kung puro trabaho ang iniisip niya, natawa ang lahat sa sagot ng dalaga, “Ay multi-tasking naman po ako, kaya ko ‘yun. Alam naman po na mayroon akong special friend si Seth (Fedelin), happy na po ako with his company.”

Samantala, ang suwerte talaga ng alaga ni Tita Becky Aguila dahil finally ay napabilang na rin ito sa Beautederm family at napakahalaga ng produktong ineendorso ng dalaga lalo na ngayong hindi pa nawawala ang pandemya.

Sabi ng batang aktres, “Overwhelmed po ako na parte na ako ng kanilang Reiko and Kenzen boosters dahil matutulungan po tayo sa health natin. I am able to take charge of my health confidently as these essential supplements are providing me with the energy and extra protection every day.”

Isinabay ng President at CEO ng nasabing kumpanya na si Rei Anicoche Tan ang launching ni Andrea sa kanyang 40th birthday ngayong araw bilang regalo sa sarili na muling nadagdagan ang kanyang babies lalo’t on going ang kanilang 12th anniversary celebration.

Aniya, “My team and I have been working on these health boosters for over a year now at ang aking plano ay mai-launch ito in time for the 12th anniversary of the company at ng birthday ko na rin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Maraming naituro ang pandemic sa atin that we should be grateful for all the many blessings God continues to shower to all of us na mahalaga ang pamilya at dapat nating alagaan ang ating kalusugan,” aniya pa.

Si Andrea ay may milyones na followers sa social media at talagang super sipag nitong magpo-post para pasalamatan ang lahat ng nagbibigay sa kanya ng mga produkto o bagay bilang regalo na dahilan kaya nagustuhan siya ni Rei Tan dahil nagulat siya na ipinost ng dalaga ang ibinigay niya na ilang daang libo ang nag-like.

Related Chika:
Andrea ilang beses nang nagbalak mag-quit sa showbiz: Ang hirap-hirap, lalo na kung breadwinner ka
Andrea Brillantes kinampihan ni Ogie Diaz: Kahit saang larangan, may plastik

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending