Andrea ilang beses nang nagbalak mag-quit sa showbiz: Ang hirap-hirap, lalo na kung breadwinner ka Bandera

Andrea ilang beses nang nagbalak mag-quit sa showbiz: Ang hirap-hirap, lalo na kung breadwinner ka

Ervin Santiago |August 04,2021
share this

Andrea ilang beses nang nagbalak mag-quit sa showbiz: Ang hirap-hirap, lalo na kung breadwinner ka

Ervin Santiago August 04, 2021 - 09:46 AM

Andrea Brillantes

MARAMING beses nang binalak ng Kapamilya young actress na si Andrea Brillantes na iwan ang mundo ng showbiz.

Ito ang inamin ng dalaga sa kanyang mga tagasuporta sa pinakabago niyang vlog kung saan isa-isa niyang nireplayan ang mga  hate comments ng mga netizens sa kanya.

Isa nga sa mga basher ni Andrea ang nagsabing “Quit showbiz already!” Na sinagot naman niya ng, “Ang dami ng beses na gustong-gusto ko na kasi, promise. Akala niyo ang dali-dali. 

“Ang hirap-hirap, lalo na kung breadwinner ka. Hindi lang kasi kapag nahirapan ako ay quit na. Alam mo ‘yon, kapag binash niyo ako lahat ay quit na,” depensa ng aktres.

Aniya pa, “Kasi may responsibility ako kaya hindi ko siya puwedeng bitawan nang bigla.”

Bwelta pa niya sa basher, nagsisipag at nagpapakahirap siya sa pagtatrabaho para mabigyan ng maganda at maayos na buhay ang kanyang pamilya.

“Kaya nga nag-iipon ako ngayon. Magkaroon ako ng early retirement para magkaroon ako ng peaceful life. 

“Para kapag magkakaroon ako ng pamilya ay wala nang manggugulo. Pero I’m sure guguluhin niyo pa rin ako,” sabi pa ng dalaga.

Sinagot din niya ang mga netizens na nagsasabing insecure, maangas, mayabang at “feeling superior” daw siya.

“Sa stage kasi kailangan mo maging confident. Paano naman ako magiging superior doon, wala naman akong ginagawa. Inapakan ko ba or inano ko ba ang tao. 

“Paano ako maigiging mayabang kapag feel na feel ko lang ang sarili ko sa stage. As long as wala akong tinatapakan na tao and wala naman akong ginawa, literal sumayaw lang ako. 

“Alam niyo baka kayo ang insecure kasi kaya ko maging ganoon ka-confident sa sa stage,” matapang na chika pa ni Andrea.

At sa mga nagkokomento na maarte at maldita siya, “Lagi ko nakukuhang comment, maarte. Okay nage-gets ko rin ‘yon kasi kikay naman talaga ako, nagme-make up ako. 

“Nag-aayos ako, nagti-TikTok ako. Kasi parte ‘yan ng trabaho. Kapag ‘di ako nag-post ‘di na ako magiging relevant and I have bills to pay.

“Tapos sa maldita, kung nagpakita man ako sa ‘yo ng ganoon, siguro pagod lang talaga ako noon or mayroon akong sariling problema na iniisip, mayroon akong pinagdaaanan noon, I’m so, so sorry.

“Pero ako talaga I try my best na ipakita talaga ‘yung best version ko lalo na sa fans, ‘yun ang possibly last moment na makikita nila ako at ‘yun ang maaalala nila for the rest of their lives kaya ayaw kong maging bastos ako sa kanila, kasi ‘yun na ang maaalala nila,” paliwanag pa ng The Gold Squad member.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending