Pia umaming naging robot sa pagtatrabaho: Natutunan ko na hindi dapat laban nang laban | Bandera

Pia umaming naging robot sa pagtatrabaho: Natutunan ko na hindi dapat laban nang laban

Ervin Santiago - September 22, 2021 - 08:45 AM

Jeremy Jauncey at Pia Wurtzbach

NAGMISTULANG robot at manikang de susi si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach noong wala pang pandemya dahil sa walang tigil na pagtatrabaho.

Dahil dito, talagang na-burnout daw siya sa ilang years ng “nonstop work” at walang pahinga, na umabot pa nga sa pagkakataong hindi na niya alam kung anong araw na.

Ibinahagi ni Pia sa kanyang latest vlog sa YouTube kung paano niya nilabanan ang pagka-burnout at matinding stress habang nagpapakamatay sa trabaho.

“Honestly may mga araw na gumigising ako na hindi ako sure sa sarili ko parang hindi ako 100%, ’di ko kaya. ’Yung usual stresses sa buhay medyo affected ako. Normal naman ‘yun,” pahayag ni Pia.

Aniya pa, “Hindi ibig sabihin beauty queen ka or artista ka immune ka na. Hindi ka na nagkakaroon ng bad days. Hindi totoo ’yun.”

Bago magkapandemya, aminado si Pia na wala talaga siyang pahinga, wala sa bokabularyo niya ang day-off, “Wala akong weekends, walang Saturday, Sunday. Minsan nga hindi ko na alam anong araw na.

“May time na mas madalas ako matulog sa kotse kaysa sa bed ko sa bahay. Hindi talaga ako tumitigil kasi in my head, ‘Work, blessing ‘yan. Bakit ako tititigil?’ So tuloy-tuloy lang ako,” aniya pa.

Chika pa ng aktres at TV host, “Parang robot ako, parang matagal ko na hindi nakikita mga kaibigan ko. Wala na akong alam outside of work. Naging buhay ko na siya,” she said.

“The pandemic made us realize that’s not necessarily the key to success. It can bring you happiness and it can bring you success but it’s not all that. I learned to take breaks. I learned to press pause.

“Pwede ko pala i-practice na mayroon akong boundaries na hindi ako laban nang laban,” sabi pa ng dalaga.

“Pero natutunan ko ring piliin ang sarili ko. Natuto na ako mag-balance. Self-care is key,” diin pa niya.

Nasa Abu Dhabi pa rin si Pia ngayon kasama ang boyfriend n si Jeremy Jauncey kung saan niya ginagawa ang kanyang vurtual podcast at ilang endorsements.

Samantala, may nagtanong naman kay Pia kung plano ba niyang manirahan sa ibang bansa kasama si Jeremy, “Hindi ko pa masabi ngayon although I’m not closing my doors. Ngayon na-realize ko na pwede ko naman palang gawin.

“Marami sa mga trabaho ko, kaya ko na siyang gawin remotely ngayon, so nababalanse ko siya. Pwede rin pala ako mag-work dito. So living here in UAE made me realize that there are other markets that I haven’t tapped yet, and I’m definitely open to exploring those other markets.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Does that mean I want to live abroad? Hmmm, I can’t say for sure now, pero pwede. Tingnan natin. Let’s see where life leads me,” sey pa ng dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending