Sikat na aktor at aktres may sumpaan sa isa't isa kapag nasa edad 35 na | Bandera

Sikat na aktor at aktres may sumpaan sa isa’t isa kapag nasa edad 35 na

Reggee Bonoan |November 14,2021
facebook
share this

Sikat na aktor at aktres may sumpaan sa isa’t isa kapag nasa edad 35 na

Reggee Bonoan - November 14, 2021 - 05:43 PM

                  
TRULILI kaya ang tsikahan ng sikat na aktor at aktres na single ngayon at parehong nasa early 30’s, na kapag wala pa silang naging dyowa sa edad 35 ay puwede na nilang i-consider ang isa’t isa?

Nang marinig namin ang kuwentong ito mula sa aming source ay naalala namin na may lima o anim na taon na naming sinabi sa dalawang celebrity na bakit hindi na lang maging sila dahil bagay at magkasundo naman sila, pero tinatawanan lang nila kami.

Sitsit naman sa amin ng isa pang kaibigan ng dalawa, “Close kasi sila kaya nagkakahiyaan pero nagbibiruan silang ‘sila na lang.'”

Oo nga, lagi namang nagbibiruan ang dalawang sikat na artistang ito pero hindi naman sila sineseryoso ng lahat dahil nga palaging tawa at iling lang ang isinasagot nila kapag pinag-uusapan ang lovelife.

Pero lately nga ay naging seryoso na ang usapan ng dalawang artistang ito dahil hindi naman daw nagtatagumpay ang kanilang past relationship na nagtataka rin kami kung bakit nga ba.

Lalo na sa parte ni sikat na aktor na ang gaganda ng naging girlfriends tapos ipagpapalit siya sa hindi naman kaguwapuhan at ilang buwan palang ay hiwalay na. 

Gayun din ang sikat na aktres na pagkatapos ng ilang taong karelasyon ay nauuwi rin sa wala na ipinagtataka namin dahil almost perfect na siya pero iniiwan din.

Baka nga sina aktor at aktres ang para sa isa’t isa?

* * *

Bukod kay Cardo Dalisay (Coco Martin) ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na gabi-gabing inaabangan ng manonood ay hot topic din sa social media si Lena, ang karakter ni Erich Gonzales sa “La Vida Lena”.

Nalagasan na ng kakampi si Lena dahil bumaliktad na sa kanya ang kaibigang si Jordan (Carlo Aquino) para pagsilbihan si Lukas (Raymond Bagatsing).

Tinanggap ni Jordan ang alok ni Lukas dahil sa matinding galit niya kay Lena. Nalagay kasi ang ina nito sa kritikal na kondisyon dahil sa paghihiganti ng dalaga laban sa mga Narciso.

Ito ay matapos mangako ni Vanessa (Agot Isidro) na uubusin niya ang mga mahal sa buhay ni Lena kapag nakialam pa ito sa pamilya nila.

Ito ang pantapat na pananakot ni Vanessa matapos magbanta si Lena na ibubulgar na nito kay Lukas na ang tunay na ama ng anak nitong si Adrian (JC De Vera) ay si Conrad (Christian Vasquez), ang kaibigan ng pamilya nila.

Bagama’t alam na ni Adrian ang katotohanan sa pagkatao niya, papayag siyang ilihim ito mula kay Lucas dahil sa kagustuhan niyang manahin ang negosyo ng kanilang pamilya.

Pagkatapos masaktan ang isa sa mga mahal niya sa buhay, ano na ang susunod na hakbang ni Lena para ituloy ang mga plano niya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Subaybayan ang ikatlong season ng “La Vida Lena” simula bukas, Lunes (Nov. 15) 10 p.m. sa Kapamilya Channel.

Erich game na game makatambal uli si Mario Maurer: Yung friendship namin hindi nawala

Male star pinrotektahan pa rin ang ex-GF na aktres kahit nakipagchurvahan sa isang aktor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending