Claudine, Julia pinatunayang bati na, sweet sa party ni Mr. M

Claudine, Julia pinatunayang bati na, sweet na sweet sa party ni Mr. M

Ervin Santiago |March 18,2024
facebook
share this

Claudine, Julia pinatunayang bati na, sweet na sweet sa party ni Mr. M

Ervin Santiago - March 18, 2024 - 09:49 AM

Claudine, Julia pinatunayang bati na, sweet na sweet sa party ni Mr. M

Claudine Barretto at Julia Barretto

POSITIBO ang naging pagtanggap ng publiko sa muling pagkikita ng magtiyahing sina Claudine Barretto at Julia Barretto.

Pinusuan at ni-like ng mga netizens ang mga litrato at video ng dalawang aktres na kuha sa sorpresang tribute party para sa star builder na si Johnny Manahan o mas kilala bilang Mr. M.

Nangyari ang pa-tribute sa dating Star Magic head na tinawag na “Night of 100 Stars” nitong nagdaang Sabado ng gabi, March 16.

Baka Bet Mo: Miguel Tanfelix sa pagiging leader ng Voltes V: Sobrang nape-pressure ako!

Makikita sa ilang social media post si Claudine at ang pamangkin niyang si Julia na nag-uusap at nagtatawanan habang nasa event kasama ang iba pang Kapamilya stars.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto)


May isa pa kaming napanood na video kung saan magkayakap sina Claudine at Julia kasama ang ibang pang celebrities na close kay Mr. M.

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magtiyahin noong kasagsagan ng away ng Barretto sisters, kabilang na ang gulong nangyari sa burol ng kanilang ama.

Nagkampihan sina Claudine at Gretchen Barretto laban sa sisteraka nilang si Marjorie kaya nadamay nga ang anak nitong si Julia.

Mas lalo pang nag-apoy ang issue nang tila kampihan nina Claudine at Gretchen si Bea Alonzo nang sumabog ang chika na si Julia umano ang dahilan ng paghihiwalay nina Bea at Gerald Anderson.

Nag-post pa si Claudine noong March 10, 2021 sa kanyang Instagram ng isang cryptic post na pinaniniwalaang para kay Julia.

Baka Bet Mo: Vicki Belo ibinandera ang pagkikita nila ni Heart Evangelista sa Italy: ‘Ayan ha guys, nagkita na kami…ang ganda talaga ng girl na ‘to!’

“I would rather be known in life as an honest sinner than a lying hypocrite,” ang sey ni Claudine na nagpadala pa nga ng flowers kay Bea matapos umaming hiwalay na sila ni Gerald.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Margaret Barretto (@claubarretto)


Hanggang sa nagpa-interview na nga si Claudine sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong May, 2023 at sinabing okay na silang magkakapatid at wala na rin silang tampuhan ni Julia.

“We’re good. She’s very busy, I’m very busy. I think the last time I saw her was last March before her birthday. Pag may family events pa kami, pag may birthday, kunyari sa birthday ng Kuya Mito ko, we see each other,” sey ni Claudine kay Tito Boy.

Dugtong pang sabi ni Claudine, “I’m very, very proud. I’ve seen Expensive Candy (pelikula ni Julia with Carlo Aquino). I’m proud of whatever she’s achieving now and I would just want her to have more breaks para ma-showcase yung acting niya talaga.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa isa namang interview, sinabi ni Julia na mataas pa rin ang paghanga niya sa kanyang tiyahin, “My Tita Claudine has really inspired me so much. I’m a big fan of her work.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending