Johnny Manahan unti-unti nang napapasikat ang mga Sparkle talents ng GMA; may kanya-kanya nang raket | Bandera

Johnny Manahan unti-unti nang napapasikat ang mga Sparkle talents ng GMA; may kanya-kanya nang raket

Reggee Bonoan |June 20,2022
facebook
share this

Johnny Manahan unti-unti nang napapasikat ang mga Sparkle talents ng GMA; may kanya-kanya nang raket

Reggee Bonoan - June 20, 2022 - 01:40 PM

Johnny Manahan

PURING-PURI ng ilang artistang nakatsikahan namin si Johnny Manahan o Mr. M na kinuhang consultant ng GMA Artist Center.

Ayon sa kanila, may malaking pagbabago nang nagaganap sa mga contract artists ng TV network na kabilang sa talent management nilang Sparkle.

Actually, matagal na pala ang Sparkle ng GMA dahil ni-launch na ito noong 1995 na hindi namin alam kung bakit sa pagpasok lang ni Mr. M ito naging maingay.

Going back sa mga artist na nakatsikahan namin ay nagkaroon na sila ng mga ganap o dinadaluhang events tulad ng pagbubukas ng bagong establishments, o product launch kaya nagkakaroon na sila ng exposure.

Oo nga, nagbalik-tanaw kami noong panahong hindi pa masyadong maingay ang mga pangalan ng GMA talents maliban sa mga datihan na tulad nina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Angelika dela Cruz, Iya Villania, Heart Evangelista, Julie Anne San Jose, Kylie Padilla hanggang sa umingay din ang pangalan ni Maine Mendoza dahil sa tambalan nila noon ni Alden Richards at ‘yung iba ay galing ng Star Magic kaya kilala na tulad ni Rayver Cruz, Ai ai delas Alas, Paul Salas na nagbalik lang din sa Kapuso network, at iba pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)


Kung dati raw ay hindi masyadong pinapayagan o hindi nakakadalo ang ilang artists ng GMA sa mga events dahil sa conflict of schedule ay iba na ngayon dahil binibigyan ito ng prayoridad dahil naniniwala raw si Mr. M na kailangan nila ito para sa kanilang future projects.

Natuwa naman kami sa sinabing ito ng katsikahan naming artists dahil ramdam mo na hopeful sila sa mga susunod na mangyayari sa career nila.

Oo nga naman, siguro kapag makakasalubong na namin sila sa malls o kung saan man ay hindi na kami magtatanong sa kasama namin kung sino sila o sino siya?

Bigla tuloy naming naalala ang sikat na singer-actress-TV host na nakasabay naming kumain sa isang restaurant sa Quezon City at itinuro ng kasama namin na siya si _____ .

Napalingon kami at hindi namin kilala talaga at hindi rin siya pinapansin ng ibang kumakain doon kasi naman hindi nakaayos kaya hindi mukhang artista.

Pero ngayon kilalang-kilala na siya kahit hindi nakaayos at mas lalo pang sumikat nu’ng na-link siya sa isang hunk actor-singer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May wish naman ang ilang nakausap naming Sparkle artists, “Sana magkaroon din kami ng kaliwa’t kanang shows sa ibang bansa.”

Mr. M tinanggap ang hamon ng GMA; gustong makatrabaho sina Alden, Dingdong, Marian at Heart

Mr. M parang nabuhay daw uli dahil sa GMA: Mahirap tanggihan yung offer nila

8 Kapuso celebs napili bilang banner stars ng Sparkle; handa nang sumabak sa mga hamon ni Mr. M

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending