Charo Santos grateful sa MMK: ‘I have become a better person’
PARA sa actress-media executive na si Charo Santos-Concio, ang dati niyang programa na “Maalaala Mo Kaya (MMK)” ang isa sa mga dahilan kaya mas naging mabuti siyang tao.
Sa kanyang talumpati sa Women Lead Conference 2024 kamakailan lang, sinabi ni Charo na naging gabay niya ang ilang inspiring at empowering real-life stories na kanyang itinampok sa Asia’s longest-running drama anthology upang maka-survive sa ilang personal na pinagdaanan.
“People often thank me for making a difference in their lives through MMK. But it is I who should be grateful to them,” sey niya sa kanyang speech.
Paliwanag niya, “Their beautiful stories of prevailing over the toughest of odds ground me and lift me up during my times of self-doubt and despair.”
“Through MMK, I experienced God’s handiwork first-hand and gained a deeper appreciation of what it is and how it is to be human,” dagdag ng executive.
Aniya pa, “I have become a better person because of MMK.”
Baka Bet Mo: MMK naging therapy para kay Kim Molina: Ang daming tinik na nabunot
View this post on Instagram
Bilang ipinagdiriwang din ngayon buwan ang Women’s Month, inihayag ng seasoned actress ang hirap na pinagdaanan niya bilang isang babae na tinahak ang isang patriarchal society.
“It’s not easy being a woman!” sad niya.
Wika pa niya, “My life has been a constant uphill battle. From my probinsyana beginnings to the boardroom, my road to success has been full of challenges.”
Kung matatandaan, taong 2022 nang tuluyang nagpaalam sa telebisyon ang MMK makalipas ang tatlong dekada.
Disyembre ng kaparehong taon naman nang makasama ni Charo ang 31 letter senders at sila ay nagkaroon ng heart-to-heart talk para sa two-hour special episode na may titulong “MMK Grand Kamustahan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.