MMK naging therapy para kay Kim Molina: Ang daming tinik na nabunot | Bandera

MMK naging therapy para kay Kim Molina: Ang daming tinik na nabunot

Ervin Santiago - June 04, 2021 - 09:16 AM

NAGSILBING therapy para sa Kapamilya actress na si Kim Molina ang ginawa niyang episode para sa Father’s Day special ng “Maalaala Mo Kaya”.

Ang tinutukoy ng “Jowable” star ay ang “MMK” episode na “14 Years of Love” kung saan makakatambal niya ang magaling ding theater actor at komedyanteng si Pepe Herrera.

Sa nakaraang “MMK” virtual mediacon sinabi ni Kim na hindi naman siya gaanong nahirapan sa taping kahit may pandemic pero inamin niyang maraming naipong emosyon sa kanyang dibdib na  nailabas niya habang umaakting.

“Sobrang gaan ng loob ko kasi most of the cast, kahit yung mga support namin sa episode, mga kasama namin sa teatro. Like nandu’n si Teetin Villanueva, tapos si Acey Aguilar.

“Tapos si Pepe Herrera pa yung kasama ko. So basically, mga kasama ko sa teatro na hindi ko pa rin nakakausap during the pandemic dahil hindi rin nila alam yung gagawin nila kasi wala tayong live performances sa theater, eh.

“So kahit paano nakatulong din sa kanila na makapag-perform ulit at magkaroon ng trabaho. So nakaka-ease yun personally sa sarili ko na at least may trabaho ngayon si Teetin, at least okay tayo, at least nagkita tayo. 

“Yung moment na yun na nakasama ko yung friends ko na matagal kong hindi nakasama, nakakagaan ng loob,” masayang pahayag ni Kim.

At dahil ito nga ang unang pagkakataon na bibida siya sa “MMK”, grabe rin ang dulot nitong pressure sa kanya, “Suwerte na lang din ako na galing ako sa theater so iba iba rin yung nagagampanan namin sa teatro tapos yung proseso din namin na-i-incorporate ko rin sa trabaho namin sa TV or sa films.

“This time around, medyo may pressure lang din kasi first namin ni Pepe na mag-lead. So I think na-pressure lang ako ngayon dahil as an actor na magpo-portray ng isang episode sa MMK, we all have a responsibility to portray the role accordingly. 

“So kailangan kung ano talaga yung letter sender, gampanan namin ng maayos kasi nakakahiya naman. So yun lang, this time yun lang yung naramdaman ako. Masuwerte na lang din ako siguro kasi napapaligiran ako ng magagaling na aktor kahit sa set, mga kaibigan ko,” aniya pa.

Kuwento pa ng aktres, nu’ng rehearsal pa lang ay give na give na siya, “Sobrang taas ng tingin ko sa mga artista na nakakakuha from personal experience kasi nako-control nila na huwag masyado umiyak.

“Like si Maris (Racal, bida naman sa isa pang Father’s Day episode ng MMK) nako-control niya. Ako kailangan ko pa siya aralin. But then this time around nagkaroon ng moment sa shoot na sabi ni direk Raz (dela Torre), rehearsal pa lang bumuhos na. 

“Dumating sa point na kinailangan ko magpalit ng shirt kasi basa na siya talaga. So I think it’s all of the emotions na naipon at kinailangan ko i-control while we were shooting.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang daming tinik na nabunot while we were doing it. So I am thankful for the MMK team kasi honestly naging therapy din siya para sa akin while we were doing it,” pahayag pa ni Kim Molina na isa ngayon sa pinaka-in demand na aktres ngayong panahon ng pandemya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending