'Relasyon' nina Barbie Forteza at David Licauco mas lumalim pa

Loveteam nina Barbie at David mas lumalim pa; BarDa pang-international na

Ervin Santiago |March 14,2024
facebook
share this

Loveteam nina Barbie at David mas lumalim pa; BarDa pang-international na

Ervin Santiago - March 14, 2024 - 06:05 AM

Loveteam nina Barbie at David mas lumalim pa; BarDa pang-international na

David Licauco at Barbie Forteza

MAS lumalim na ang relasyon ng Kapuso stars na sina Barbie Forteza at David Licauco bilang magka-loveteam.

Yan ang inamin nina Barbie at David o mas kilala na ngayon bilang BarDa sa panayam ng ilang miyembro ng entertainment media kahapon, March 12.

Nakachikahan namin sila sa naganap na presscon ng “Sparkle Goes To Canada Tour” kasama ang dalawa pang Kapuso couple in real life na sina Ruru Madrid at Bianca Umali at sina Rayver Cruz and Julie Anne San Jose.

Sey ni Barbie, “May lalim na. Honestly, nu’ng bago pa lang po ang FiLay (Fidel at Klay sa Maria Clara at Ibarra) or ang BarDa, aaminin ko, mandu’n ako sa, ‘Paano? Paano. How will we make this work?’

Baka Bet Mo: David Licauco hindi pa handang magpakasal kaya nagkahiwalay ng dating dyowa; iniyakan ang ex-GF na taga-ABS-CBN

“Tapos, parang ngayon, nakarating na kami sa point na alam na namin kung paano ang isa’t isa. So, mas parang, I feel like we’re a team already.

“Alam namin ang weaknesses, alam namin ang strengths ng isa’t isa. Alam namin kung alin yung mas iha-hype, alin yung mas medyo isi-set aside muna,” tuluy-tuloy na chika ng Kapuso Primetime Princess.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dagdag pa ng dalaga, “But at the end of the day, kapag tapos na yung show, tapos na yung work, ganyan, makikilala namin ng isa’t isa as David and Barbie.”

Para naman kay David, “I think, I would say like Barbie is siguro pinaka-close ko na babae sa show.

“Actually, siya lang yata yung close ko na babae sa show. Because, I think, the other one is Derrick Monasterio. Pero lalaki naman yun.

“I think it’s only Barbie. I super appreciate her. I super appreciate her because she tries her best to understand me, sa personality ko,” lahad ng Pambansang Ginoo.

Aniya pa kay Barbie, “And also, yun nga, actually, dapat mag-thank you ako sa yo dahil parang you make me feel comfortable in showbiz.

“Alam mo naman na hindi talaga ako masyadong ma-showbiz. Hindi naman ako…mahiyain kasi akong tao.

Baka Bet Mo: Barbie Forteza, David Licauco masyado na raw OA, sey ng faney: Ang cringe talaga ng fan service

“I think with her around, makes me feel, you know, I’m okay. I’m comfy.And yun lang. Thank you,” sabi ng hunk actor.

Samantala, ngayon pa lang ay super excited na ang BarDa, pati na sina Julie Anne, Rayver, Bianca at Ruru sa kanilang “Sparkle Goes To Canada” na magaganap ngayong April. Ito’y mula sa direksyon ng star builder na si Johnny Manahan o Mr. M.

Natanong sina Barbie at David kung may pressure silang nararamdaman sa first international tour ng GMA Sparkle.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ani Barbie, “Actually, yes. May pressure dahil nga nag-i-expect sila na extra-extra-extra pakilig, ganyan. Pero kasi kami ni David, talagang we will be there to enjoy, to give entertainment to our global Pinoys.

“Hindi ba, para kahit papano we offer them a piece of home. Para hindi naman sila ma-homesick. So, yun,” sey pa ni Barbie.

Chika ni David, “I think hindi naman ako masyado na may pressure sa mga performances namin ni Barbie together.

“Because comfy ako around her. Pero siguro kinakabahan ako dun sa… dun sa sayaw. Kinakabahan ako sa sayaw dahil hindi ako sanay,” aniya pa.

Ano naman ang napi-feel ni David ngayong pang-international na ang BarDa, “Hindi naman. Kami, ang trabaho naman namin is artista, actors. So, I think it’s better na mag-focus naman sa mga ginagawa namin.

“Sa trabaho namin. At yung pressure naman, it’s natural. So, I think it’s better na we don’t think about it.

“And just focus on ourselves, on improving. And then every day, our goal is to entertain. And hopefully, we get to entertain people,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magaganap ang unang araw ng “Sparkle Goes To Canada” sa April 5, 2024, sa Southview Alliance Church, Calgary, Canada na susundan ng isa pa sa April 7 sa Toronto Pavillion, Toronto, Canada.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending