Alden: Mas lumalim pa ngayon ang relasyon namin ni Maine! | Bandera

Alden: Mas lumalim pa ngayon ang relasyon namin ni Maine!

Jun Nardo |February 16,2017
facebook
share this

Alden: Mas lumalim pa ngayon ang relasyon namin ni Maine!

Jun Nardo - February 16, 2017 - 12:01 AM

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

SIMULA na ng pakikipagbakbakan sa primetime ng Alden Richards at Maine Mendoza romantic-comedy series na Destined To Be Yours. Inanunsyo na sa presscon ng serye the other night na sa Feb. 27 na ang world premiere nito.

Kahit kapwa masama ang pakiramdam, kita at dama ang excitement kina Alden at Meng na mapapanood na ng publiko ang pinaghirapang series. Excitement ang nadarama ni Maine sa unang pagsabak niya sa pag-arte. And after almost two years, balik uli sa pag-arte si Alden.

“Sobrang nagiging malaki rin ang adjusments. Kasi nasanay po ako sa live Kalyeserye. Nagkaroon ng adjustments kung paano bumalik sa actor mode.

“Pero sobrang saya po kasi na-miss kong gumawa ng teleserye kasi doon po ako nag-start. Ngayon, sobrang, pakiramdam ko, marami akong handang ibigay sa soap,” ani Alden.

Kumusta naman katrabaho si Meng sa isang teleserye after kalyeserye?

“Ganoon din naman po. Kahit anong trabaho na gawin namin ni Maine, it’s always been easy to work with her sa movies, sa kalyeserye, teleserye most especially. Wala pa ring nagbabago sa working relationship namin,” rason niya.

Ano ang nadiskubre nilang bago sa isa’t isa? “Marami po. Kasi never ending process naman ang pagkilala ng isang tao,” ani Maine.

“Mas tumatagal po, lumalabas ang tunay na Alden. Mas lumalabas ang tunay na Maine. So with the projects that we’re doing, we get to know each other personally in a deeper knowledge about each other,” sey naman ni Alden.

“At mas nagiging komportable kami talaga sa isa’t isa,” saad ni Meng.

Sa pagiging loveteam nila, dumating na sila sa puntong nagsasabihan ng personal na bagay at sikreto. “Dito lang po, mas lumakas ‘yung trust namin,” sabi ng phenomenal star.

“Mas lumalim every project,” sagot naman ng Pambansang Bae.

Valentine’s Day nang ginanap ang presscon ng DTBY. Kaya naman umaga pa lang, magkasama na sila para sa rehearsals ng participation nila sa Eat Bulaga. Tuluy-tuloy na ‘yon hanggang sa presscon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

So, wala man silang panahon para bigyan ng Valentine gift ang isa’t isa, sapat na ‘yung magkasama sila sa kahit nagtatrabaho.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending