Sam Verzosa nakipag-bonding sa 96-anyos na Super Lola, may sorpresa
SA pinaka-latest na episode ng “Dear SV,” bakas sa mga ngiti ni Sam Verzosa ang saya habang ka-bonding ang 96-year-old na si Florirose Talastas, o mas kilala sa tawag na “Lola Rose”.
Si Lola Rose ay umani ng maraming suki matapos maging viral dahil sa isang post sa social media. Ngunit sa kabila nito, malaki pa rin ang hamon sa buhay na araw-araw niyang kinakaharap.
Base sa naging kwentuhan nila ni SV, napag-alaman na sa kabila ng kanyang edad, siya ay patuloy na kumakayod para sa kanyang dalawang apo na nasa kanyang pangangalaga ngayon.
Araw-araw na tinitiis ang usok, init, at ulan sa bangketa upang matustusan ang kanilang pangangailangan.
Baka Bet Mo: Engagement nina Rhian Ramos at Sam Verzosa fake news; ‘Dear SV’ tuloy ang pagtulong, pagpapaiyak sa mga Pinoy
“Puhunan ko ay karangalan…” pagmamalaking banggit ni Lola Rose.
Para maibsan ang hirap ni Lola Rose, maliban sa pagpakyaw ng kanyang paninda, nagbigay din si SV ng grocery package, cellphone, kutson at unan.
Isa rin sa labis na ikinatuwa ni Lola Rose ay ang kanyang new and improved kariton na may kasama nang upuan at payong—bagay na araw-araw niyang magagamit sa kanyang pagtitinda.
Sinamahan na rin ito ng mga bagong beads na siya naming magagamit ni Lola Rose sa paggawa ng kanyang mga paninda.
Almost centenarian na nga ba?
Maliban dito, naging daan din ang “Dear SV” sa pagsasaayos ng mga dokumento ni Lola Rose upang masiguro na makakakuha siya ng mga benepisyo ng isang centenarian.
Napag-alaman kasi na hindi pa pala 96 years old si Lola Rosa.
Base sa records na nahanap sa hometown ni lola sa Marinduque, siya ay 86-years-old pa lamang.
Malayu-layo pa ang bubunuin ni lola para matanggap ang benepisyo ng isang centenarian. Pero ang mahalaga ay naging maayos na din ang lahat ng kanyang mga papeles ng pagkakakilanlan.
Mapapanood ang full episode ng “Dear SV” tampok si Lola Rosa sa YouTube.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.