Ano nga ba ang konek ni Gabby Eigenmann kay Jaclyn Jose?

Ano nga ba ang konek ni Gabby Eigenmann kay Jaclyn Jose?

Ervin Santiago |March 07,2024
facebook
share this

Ano nga ba ang konek ni Gabby Eigenmann kay Jaclyn Jose?

Ervin Santiago - March 07, 2024 - 08:30 AM

Ano nga ba ang konek ni Gabby Eigenmann kay Jaclyn Jose?

Andi Eigenmann at Gabby Eigenmann

MARAMING nagtatanong sa amin kung anak din ba ng namatay na Cannes Film Festival best actress na si Jaclyn Jose si Gabby Eigenmann.

Nagtataka kasi ang ilang nakapanood sa naganap na pa-presscon ni Andi Eigenmann kamakailan para sa official announcement ng pagkamatay ng kanyang pinakamamahal na nanay.

Kasama kasi ni Andi si Gabby nang humarap sa members ng media kung saan ipinaalam nga nila sa publiko na namatay si Jaclyn matapos atakihin sa puso.

Baka Bet Mo: Sharon never nagsalita ng masama kay KC tungkol kay Gabby: ‘Naisip ko nga, dapat yata siniraan ko na lang’

Kaya naman may ilang netizens ang nagtataka at napapatanong kung anak ano ang relasyon nina Andi at Gabby at kung anak din ba ni Jaclyn ang Kapuso actor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Para malinawan ang ilang nagtataka, half-siblings sina Gabby at Andi dahil tatay nila ang yumao na ring aktor na si Mark Gil.

Kapatid ni Mark ang pumanaw na ring aktres na si Cherie Gil, at ang aktor na si Michael De Mesa. Ang parents nila ay ang celebrity couple na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil.

Si Andi ay anak ni Mark kay Jaclyn habang si Gabby ay anak ng namayapang aktor kay Irene Celebre. At sa mga nagtatanong, kapatid din nina Andi at Gabby sa ama sina Sid Lucero at Maxine Eigenmann.

* * *

Mapait ang kwentong pag-ibig na hatid ng Kapamilya artist na si Jason Dy sa kanyang bagong dance-pop single na “Magsabi Ka Lang” na mapapakinggan na ngayon.

Isinulat ni Jason ang awitin kasabay ng mga kantang “Gusto Ko Pa” at “Ulit-Ulit” na sumasalamin sa unti-unting paglipas ng pag-ibig.

Baka Bet Mo: KC napaiyak nang balikan ang muling pagsasama nila ni Gabby after 15 years: ‘It was such a memorable moment…’

“‘Magsabi Ka Lang’ is part of a series of songs that I wrote together with my previous releases ‘Gusto Ko Pa’ and ‘Ulit-Ulit’ that are kind of representations of the stages of grief.

“Grief in the sense of a dying relationship. ‘Gusto Ko Pa’ is about denial, ‘Ulit-Ulit’ is on anger and ‘Magsabi Ka Lang’ is bargaining,” saad ni Jason.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jason Dy (@jasondy)


Ibinahagi ng singer-songwriter ang kanyang upcoming single sa social media na may caption na, “Kung ayaw mo na, magsabi ka lang.”

Noong nakaraang taon, inilabas ni Jason ang awiting “Ulit-Ulit” bilang unang single niya sa ilalim ng Star Music. Bagong musika at concert tours ang ihahandog niya ngayong taon kasabay ng pagiging hurado sa bagong season ng “Tawag ng Tanghalan.”

“I’m hoping to release more singles and collaborate with other artists. I just recently became a hurado on Tawag ng Tanghalan which is super fun. Kind of like a full circle moment. And we’re cooking up some concert tours with fellow Cornerstone artists here and abroad,” ani Jason.

Sa nalalapit na ika-10 taon niya sa industriya, puno ng pasasalamat ang pagbabalik-tanaw ni Jason sa kanyang pagkapanalo sa “The Voice Philippines” season 2 noong 2015.

“The journey has been nothing short of amazing. I’m going into my 10th year in the business and it still feels like ‘The Voice’ happened yesterday. I’m just very thankful that I get to do what I do and there are people out there who continue to support me,” sabi niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapakinggan ang bagong single ni Jason na “Magsabi Ka Lang” sa iba’t ibang digital music streaming platforms at panoorin ang official lyric video nito sa YouTube.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending