Lovely Abella napilitang inumin ang sariling breast milk, anyare?

Lovely Abella napilitang inumin ang sariling breast milk habang nasa HK

Ervin Santiago - March 06, 2024 - 09:26 AM

Lovely Abella napilitang inumin ang sariling breast milk habang nasa HK

Lovely Abella

HINDI nagdalawang-isip ang Kapuso actress at negosyanteng si Lovely Abella na inumin ang sarili niyang breast milk.

Nagtungo sa Hong Kong ang celebrity mom para sa isang short trip kung saan um-attend siya sa bonggang jewelry fair na may kaugnayan sa kanyang business.

Bilang isang proud padede mom, naisipan ni Lovely na ipagpatuloy ang pagkolekta ng kanyang breast milk habang nasa abroad siya at malayo sa anak nila ni Benj Manalo na si Liam.

Limang buwan pa lamang ang sanggol kaya tuluy-tuloy pa rin ang pagpapadede niya rito at feeling niya, marami siyang mako-collect na gatas mula sa kanyang dibdib sa ilang araw na pananatili niya sa HK.

Baka Bet Mo: Kris Bernal ibinahagi ang struggle bilang first time mom: I’m blessed with an oversupply of breast milk but…

Talagang bitbit ni Lovely ang kanyang breast pump at breast milk storage bags para kahit nagtatrabaho ay maka-collect pa rin siya ng fresh breast milk anumang oras at kahit saan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liam Emmanuel (@liamemmanuelmanalo)


Lahat ng naipon niyang gatas ay maayos na nakalagay sa isang insulated bag na may ice tubes at sana raw ay okay pa ito pag-uwi niya sa Pilipinas.

Baka Bet Mo: Lovely Abella naimpeksyon matapos manganak, muling naospital para magpaopera

“Dami kung pasalubong sa anak ko. Sana hindi masira,” ang nakalagay sa kanyang Instagram Story kalakip ang mga nakolektang breastmilk.

Ngunit ayon sa aktres, nagamit na niya ang lahat ng baon-baon niyang breast milk storage bag kaya wala na siyang paglalagyan ng sobra-sobrang gatas na nakolekta niya.

Kaya ang ending, ininom na lamang niya ang kanyang sariling gatas, “Ayaw ko magtapon ng milk ko. Sobra akong nanghihinayang (face holding back tears emoji). Naubusan na kasi ako ng milk bag (grinning face with sweat emoji).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa isang health website, safe naman daw na inumin ng isang nanay ang sarili niyang breast milk at in fairness, meron din itong ilang health benefits.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending